1.17 Birthday
January 20.
Anong meron sa araw na to?
Sasabihin ko sa inyo...
Birthday nya ngayon.
Birthday ni Vance Lacerno.
Paano ko nalaman?
Napadpad kase ako sa profile nya sa facebook ng di sinasadya. DI SINASADYA. Kailangan ko kaseng kunin sa mismong account nya ang mga mahahalang photos namin habang ginagawa namin yung project sa science. Ilalagay rin kase yung sa portfolio para makita kung sino ang tumulong at hindi.
At dahil andun naman din ako sa account nya, bakit di ko na rin sya kilalanin. Kahit konti lang? Doon ko naisipang tingnan kung anong birthday nya. Yun lang at wala nang iba.
UMAGA.
Nalate na naman ang service kaya di ko sya nakausap bago mag flag ceremony. Mabuti nalang, nakahabol pa sya nang nag-aassemble na kami sa quadrangle para magsimula sa daily routine namin sa umaga.
"Morning." Bati nya sakin nang makapwesto na sya sa pila ng boys. Magkatapat kami ngayon sa pila.
"Morning din." Bati ko rin. "Balita ko, may nagb-birthday ngayon ah?" (smile)
Napatingin sya sakin. Halatang gulat sya pero pinipilit nyang gawing nagtataka ang expression ng mukha nya.
"At sino naman?" tanong nya.
"Hmmm. Ewan. Feeling ko lang." Sagot ko nang nakangisi.
Napatignin lagn sya sakin ng matagal bago sya nagsalita.
"Alam mo?" tanong nya. Napangisi naman ako ng mas malapad sa kanya. "Pano?"
"Yep! Nakita ko kase sa facebook kaninang umaga." Napasabi ko kahit na matagal ko na talagang nakita yun at di kaninang umaga.
Narinig ko naman syang napatawa ng mahina habang may binubulong sa sarili. Mamaya maya pa, lumapit sya sakin ng bahagya na parang may gustong ibulong kaya napalapit rin ako ng konti para makinig.
"Secret lang natin to Say ah? Di kase ako sanay na maraming bumabati eh." Mahinang sabi nya sakin.
"Sure ba! Basta pahinging handa mamaya. Haha." Biro ko.
"Walang handa. Libre mo nalang." (grin)
"Asa." Pahabol ko pa bago nagsalita ang leader sa harapan para simulan ang flag ceremony.
---
Nauna na sila Mona at Cindy nung uwian. May bibilhin pa daw sila sa SM para sa project namin sa History kaya eto ako ngayon, nag-iisang naglilinis ng room nang biglang may pumasok sa kwarto dahilan para mapahinto muna ako saglit sa pagwawalis at mapatingin kung sino ang pumasok.
"Hey." Ngiting bati nya sakin.
"Hey." sagot ko lang din.
Si Vance iyon. Nakapagpalit na ito ng pantaas. T-shirt na kulay green na malamang paborito nya dahil sa paulit ulit nya itong ginagamit.
Pinagpatuloy ko ang pagwawalis patay malisya lang habang sya naman nakita kong napaupo sa isang upuan at nakatingin lang sakin.
"Cleaners ka?" tanong nya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Novela JuvenilDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...