1.13 Sonnet 18

11 1 0
                                    

1.13 Sonnet 18

...

Sobrang lakas na ata ng ulan pero parang wala pang balak ang mayor namin na magcancel ng klase. Kanina pa nagp-protesta ang mga kaklase namin kay Sir Terante (ang acting adviser na namin sa klase) pero alam naman nilang lahat na walang magagawa si Sir dahil di naman sya ang naglalabas ng advisory.

Malapit na pala ang pasko. Ang bilis ba?

To be exact, December 2 na ngayon pero di parin matigil tigil ang ulan. Climate change nga naman. Marami na akong nakikitang nakasabit na mukha ni Santa kung saan saan. Kahit sa room namin, may decorations na at may Christmas tree pa sa desk ng teacher. Feel na feel na namin ang pasko. Excited na ako sa makukuha ko. Sana DVD ng He's Beautiful! Kahit yun lang sa Christmas masaya na ako. O kahit stuff toys lang. hihi.

Lunch break.

Pinili nila Cindy na tumambay nalang sa room kesa sa bumaba. Malakas kase ang ulan kaya nakakatamad nga naman na maglakad lakad sa labas. Di rin kami makakatambay sa swing dahil sa nabasa narin ng ulan ang upuan nito.

Nilibang nalang nila ang sarili nila sa room, nagd-drawing sa whiteboard ng kung ano ano. Pero ako, parang gusto ng paa kong gumala kahit na malakas ang ulan. Ewan ko ba. Kaya ayun, sumabay na ako kay Kuya Jo pumuntang library para tumambay.

Magkarugtong lang naman ang building kung saan nakapwesto ang room namin dun sa building ng library kaya di kami nabasa ng ulan. Tumawid lang kami sa main building at pumasok sa loob ng library.

Malaki ang main library namin. Maraming libro, malinis, malamig ang aircon at masarap mag-aral (at matulog). Actually, pang college talaga to pero dito kami pumupunta kase nga ang gaganda ng mga libro dito. College books na makakapal lang naman na sobrang puno ng pictures.

"Maganda to oh." Sabi ni Kuya Jo saka kuha ng astronomy book na makapal sa shelf. Kinuha ko naman ang malaking psychology book. Medyo interesado din kase ako sa mga ganitong libro.

Nagbasa lang kami ni Kuya Jo (o sabihin nalang nating tinitingnan lang namin ang mga pictures) ng matahimik. Ganun naman talaga sa library diba? Aliw na aliw lang si Kuya Jo sa kuha ng Proxima Centauri at mga buwan ng Jupiter. Napakahilig lang sa science eh?

Nga pala. Ipapakilala ko sa inyo si Kuya Jo. Isa sya sa mga close ko sa room. Varsity sya ng Volleyball! Naks naman! :D Katabi ko sya tuwing English class at sobrang saya lang kasama. Natatawa nga ako kase iba ang closeness nila ni Mona nung nakaraan kaya inaasar ko. Pareho naman silang namumula. In fairness, bagay sila. Woot! :D

"Hoy. Ano ba to?" Curious na tanong nya habang tinuturo ang litrato ng isang bilog na bagay sa libro.

"Tingnan mo sa baba ng picture baka nandyan yung caption." Sagot ko. Busy-ing busy lang kami sa pagbabasa nang biglang bumukas ang glass door ng library.

At ang nandoon? Ang basang basa na si Patric kasama si Vance Lacerno na nac-check in na para makapasok sa loob.

Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at napahigop ng maraming hangin papasok ng katawan ko.

Say. Relax lang. Relax.

Napatingin si Kuya Jo sakin na parang nag-aalala.

"Oh. Anyare sayo? Okay ka lang?" pabulong na tanong nya. Nag bigay nalang ako ng aprub na gesture sa kanya.

Mamaya maya pa...

"Oh. Andito rin pala sila Ate Say eh." Si Patric yan. Hindi ko alam kung pabulong lang talaga ng salita nya o talagang ganun lang kahina ang boses nya. Di ko kase madalas marinig ang boses nito eh.

YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon