1.14 Pansit

7 1 0
                                    

1.14 Pansit

"Wah! Cindy naman!" Nagmamadali akong tumakbo papunta sa mesa ko kung saan ay pinagtitinginan ni Mona, Katie at Kuya Jo ang pansit na niluto ko para sa TLE. "Mamaya na." Sabi ko saka takip ulit ng topperware.

"Titingin lang naman. Ang damot." Nang-aasar pang sabi ni Kuya Jo sakin. Nagsibalikan na sila sa upuan nila kung saan nakapatong na rin ang mga putahe na niluto namin.

"Patikim mamaya ah Say." Ang kulit lang nitong si Cindy.

"Oo na."

Project namin sa TLE ang pagdadala ng kahit anong putahe na niluto namin. Magg-grade si Maam, tatanungin ang proseso ng pagluluto samin at pagkatapos nun, lahat kami may sariling party at magsasalo salo na sa pagkain.

Ang niluto ko ay tong Pansit. Especialty kase to ni Mama. (At sobrang paborito nya rin.) Nagpaturo lang ako sa kanya kaninang umaga kung paano lutuin. Mabilis naman na ako matuto. Grade 5 palang kase ako sa elem nang nagsimula na akong magluto.

Sari saring amoy ng pagkain sa room kaya nagugutom na ako. Yung tyan ko kumukulo ng sobra. Nakakatawa nga at parang di na mapigilan ni Andrei ang paglantak sa kanya. Inaasar sya ni Mingmong kung bakit di daw Jollibee ang dinala nya. Inaasar kase sya nila Ralf, Vance, at Patric si Andrei ng Jollibee dahil sa laki ng...alam nyo na.

Si Raven, na nil-link ko kay Mingmong dahil sa sobrang closeness ng dalawa, ay naglilibot libot na at nakikitikim. Di makaantay para sa salu-salo mamaya.

"Good afternoon class." Bati ni Maam Cristine pagkapasok na pagkapasok nito sa room.

"Good afternoon Maam." Sabay sabay na bati namin. May masiglang tono ito na nagpapakita ng excitement ng mga kaklase ko.

Nagsimula na akong inspection ni Maam sa mga niluto namin. Isa isa nyang tinikman ito at tinanong kung paano niluto ito.

Matapos ang trenta minutos na pagtatanong tanong, sa wakas ay oras na para mag salo salo!

Chibugan time! :DDD

Nagsimula na kaming maglibot libot dala dala ang mga paper plates na pinabili pa kay Ralf kaninang recess. Una kong hinanap ang lumpia na sabi daw ay niluto ni Vance. Agad ko namang nakita at kumuha ako ng dalawa.

At ang lalaking to, marunong magluto???

Napangiti nalang ako ng malapad dun. Si Vance Lacerno pala may tinatagong talent sa pagluluto.

"Ate Say!" Agad akong napalingon at nakita ko si Andrei na may hawak na paper plate. "Pwedeng pahingi kami ng pansit mo?"

"A-Ah oo. Sige." Sinamahan ko sya sa mesa ko. "Teka."

Binuksan ko ang takip nito saka tinulungan syang sumandok ng pansit ko.

"Yun oh. Thank you Ate Say." :)

"Sige lang." Nginitian ko sya bago sya magsimulang pumunta sa ibang mesa.

Sumandok na rin ako ng pansit ko. Konti lang dahil sa puno na rin kase ang plato ko ng iba pang pagkain. Tatakpan ko na sana ang topperware nang biglang may sumulpot sa tabi ko.

"Say, pwedeng ako rin?"

Napalingon ako bigla at napalunok.

Si Vance Lacerno bitbit ang paper plate nito.

"A-Ah... Ah oo naman. Hehe." Agad kong binuksan ang topperware. "Akin na yung plato mo." ^_^#

"Ako na." Kusa nya saka sumandok ng pansit ko. Marami rami syang nakuha. Natakot tuloy ako na baka di nya magustuhan ang luto ko. Ang galing galing pa naman nya.

"Kain." Sabi nya saka subo ng isang kutsarang pansit ko habang ako, tinitingnan ang itsura nya. Nagustuhan nya kaya?

"Mmm." Napasabi nya habang ningunguya ang pansit na niluto ko. "Masarap ka palang magluto Say?"


Sheeez!

Muntikan na akong mapatumbling nung sinabi nya yun. Kala ko naman epic fail tong luto ko. T_T


Napangiti naman ako ng malapad sa sinabi nya. Feel ko tuloy kasing galing na ako ni Boy Logro. Ping! Ping! Ping! XD


"Hehe. Thanks." Nahihiya pang sagot ko.

"Appear tayo dyan!" Gulat ako nang bigla nyang itinaas ang kamay nya, inaantay na makipag-high five ako sa kanya.

Kinakabahan, dahan dahan kong inilapat ang palad ko sa palad nya at nang magdikit na ito, electricity. Nakuryente ako! Di ko kinaya. >_< Awkward ng appear kase slowmo. Matatapos na ng isang segundo bago ko pa nabawi ang kamay ko sa kanya. Awkward ulit.

Masyado akong pinagpapawisan. T_T

Ngitian nya ako ng malapad.


"Sige Say. Uubusin ko tong pansit mo."

"T-Thanks."

"Nakakain ka ba ng lumpia ko?" tanong pa nya saka sumubo ulit ng pansit.

"Ah. Oo. Masarap ka ring magluto." Puri ko sa kanya. Nakita kong mas lumapad ang ngiti nya.

"Thanks Say." Sabi nya. "Sige, tabihan ko lang si Mingmong dun, baka inubos na yung lumpia ko."

"O sige." Napatango ako.

Binigyan nya muna ako ng huling ngiti bago bumalik sa mesa nya.


Dun lang ako nakahinga ng mabuti. Masyadong naninikip ang dibdib ko pag malapit si Vance. Tapos yung kuryente kanina...

Napailing ako habang pinipigil ang pagtawa.

Sobrang saya lang na nasarapan sa luto ko si Vance Lacerno! Wooot! Mag Culinary nalang kaya ako sa College?

Grabe! Nag decide agad agad?


Pero haaay~ Makapagluto nga rin ng pansit bukas. :DD

YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon