1.16 Groupings
Halos dalawang linggo na rin ang lumipas at sa wakas dumating na rin ang isa sa pinaka hihintay kong araw.
Di tulad ng ibang mga NORMAL na estudyante na tinatamad pa matapos ang dalawang linggong bakasyon, kabaliktaran nito ang nararamdaman ko ngayon.
Sobrang excited na kase ako sa pagbabalik ng klase! Yung pagising ng maaga, sila Mona, at ang swing.
Pati si Vance diba? Mapang-asar na tanong na lumitaw sa utak ko.
Hay. Oo. Pati si Vance.
Actually, kaya excited ako pumasok ulit kase marami akong ik-kwento sa kanya. Miss ko na ang boses at presensya nya na nakakapagpakaba sakin.
Para nga akong nanibago nung bakasyon eh. Nasanay na kase ako na tuwing umaga nakikita ko sya kaya nung bakasyon, feeling ko nawalan ako ng baterya nung hindi ko sya nakikita.
Pero wala na akong dapat ikabahala pa!
Tapos na ang mahabang paghihintay, dahil ngayon ay nakatayo na ako sa harapan ng gate ng S*SC, nakangiti. Nakatingin pa sa malaking gusali nito na binalutan ng berdeng pintura!
"Good Morning." Bati ni Manong Guard sakin pagkahakbang ko papasok. Sinagot ko naman ng malapad na ngiti si Manong bago tuluyang dumeretso sa quadrangle at tumungo sa kasalukuyang bakanteng lounge.
As usual, maaga na naman ako. Di naman halata na excited na akong nakausap sya. Tch tch.
Medyo nagbago ang ayos ng mga upuan sa lounge kaya nakakpanibago, pero andito parin naman ang laging tinatambayan namin ni Vance tuwing umaga. Ang bukod tanging upuan na di man ang nagalaw sa pagkakapwesto.
Agad akong napaupo at nag-antay, pero ni isang Vance Lacerno ay wala akong nakita. Nauna pang dumating si Andrei at ang nagbabagong buhay na si Ralf. Andyan na rin sila Mona, Cindy at Katie na hindi matigil tigil sa paghaharutan. Mukhang namiss nila ang isa't isa.
Halos makumpleto na kaming magkakaklase pero wala pa sya.
Naman. Kung kailan ang dami ko nang kwento saka ko pa sya hindi makakausap?
Isang malakas at mahabang ring ng bell ang tumunog, hudyat para pumila nasa quadrangle para simulan ang flag ceremony.
Matamlay akong sumunod kay ila Cindy sa pila namin. Suri naman ah~ Nag expect kase ako na makikita ko sya kaninang umaga. Hays lang.
Katulad ng kinagawian, pumila ako kasunod ni Mona. Sila Katie naman (na mas mababa pa ang height kesa samin) andun sa likuran. Wala pa kase si class president kaya ganyan.
Sino si Class president?
Hmmm. Di ko pa pala nasasabi sa inyo, ang class president ay si—
"Uy find your height." Narinig kong my nasalita sa sa bandang likuran. Agad naman akong napalingon sa boses nya.
AT WOOOSH~
Sa wakas! Kumpleto na ang kalahati ng araw ko! Ahehe! :DD
Akala ko di ko sya makikita ng buong araw. Napangiti ako ng malapad at napapatalon sa isip ko.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Novela JuvenilDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...