1.15: Christmas Party
Kakatapos lang ng isang linggong paghihirap namin. Grabe talaga ang naganap na examinations. Mabuti naman wala akong naging bagsak sa mga exams namin. Malaking puntos pa naman ito dahil sa major exams.
Pero shempre, pagkatapos ng nakakatuyong utak na mga tanong sa exams, panahon naman para magsaya.
Ang bilis ng mga araw. Di ko namalayan na ito na ang huling araw na makakasama ang mga kaibigan ko ngayon taon. Ang susunod na kase na balik namin eh next year na. (In short, two weeks sembreak muna.)
Christmas party namin ngayong araw na ito, at lahat mukhang enjoy na enjoy. Ayos na ayos kaming lahat, suot suot ang pinaka magagandang damit namin. Lahat masaya. Walang nakabusangot kaya mas nakakaenjoy lalo.
Nagkaroon kami ng mass kung saan ay kumanta kami ng mga kasama ko (choir member kase ako) saka nasundan ng mini program para i-celebrate ang Christmas. Nakakatuwa kase may kumanta (si Dalhia), sumayaw (juniors and seniors) at may nagpa raffle.
Pagkatapos ang celebration ng buong school namin, naghiwalay hiwalay na ang bawat klase para i-celebrate naman ang party sa room.
"It's party time!" Sigaw ni Mingmong pagkapasok na pagkapasok ng room.
Sumunod na sa hiyawan sila Kuya JJ (ang class clown maliban kay Mingmong) pati na rin si JP.
Agad naman na inayos ni LJ ang disco disco lights na talagang binitbit nya pa kasama ng TV, DVD at microphone. Halatang halata na preparado ang gaganapin na party sa loob ng room.
Nakaayos na ang upuan namin sa gilid para may espasyo sa gitna. Litaw na litaw naman ang Christmas decors na kakalagay ang namin kahapon. Nagdrawing din kami ni Katie ng kung ano ano sa white board katulad ng snow man at ng Naruto. (Si Katie ang may ideya. Nilagyan nalang namin ng santa hat para may connect sa Christmas. Haha)
Dahil sa wala pa si Sir Terante na may bitbit ng inorder naming handa, (Shakey's) napagdesisyunan muna naming maglaro at mag enjoy muna.
Nahati ang klase namin sa tatlo. May nagkumpulan sa videoke, may naglaro ng stampede*, at may naghaharutan. Nakapirmi sa videoke sila Ivan, Faye, Angel at ang barkada nila samantalang sila Dahlia, Mona, Katie, Raven, Andrei at Cindy ay naglalaro ng stampede. Sila Vance naman, iba ang trip gawin. Kasama si Patric, pinagtutulungan nila si Ralf. Minsan ay hinihila ang paa ni Ralf, o kaya pagtutulungang buhatin. Mukhang masaya naman si Ralf kaya di naman mukhang bullying ang ginagawa nila. Iyon lang siguro ang tinatawag nilang harutan.
Ano ang ginagawa ko ng mga panahon na iyon?
Dahil sa di naman ako makakanta sa videoke (dahil sa marami na silang nakapila) at lagi akong natatalo sa stampede, pinili ko nalang na kumuha ng video nilang lahat. Gusto ko rin kasing i-treasure ang mga ganitong memories. Alam ko kase na someday, hahanap hanapin ko ang moment na to.
Busy ako sa pagkuha ng video ng paglalaro nila Mona, kantahan nila Angel at ang harutan nila Mingmong at Vance.
Dumaan ang higit kalahating oras, salamat naman at dumating si Sir Terante.
"Hi class." Bati nya pagkapasok na pagkapasok ng room bitbit bitbit ang isang malaking box na (hula namin) na may lamang order namin.
"Hi Sir!" Bati namin sa kanya. Napatigil muna sa pagkanta si Angel at inalok si Sir kumanta pero tumanggi si Sir.
"Kain muna tayo." Sabi nya.
"Ayun yun eh!" sigaw ni Mingmong na halatang pagod na pagod sa mga pinagagawa nila Patric at Vance. Yung mga ibang kaklase ko naman nagpalakpakan na. Kanina pa kase namin inaantay ang handa.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...