1.8 Heartless Officer

19 2 7
                                    

1.8: Heartless Officer

...

"FORM! SA...WA...TLO...PAT..."


Halos mataranta na ako sa pagbaba ng hagdan. Nagsimula na kase sa pagpapaform ang Corps Commander namin.

Sa lahat ba naman ng oras maging traffic, ngayong sabado pa! Bakit ba kase nila naisipang ayusin ang kalsada sa mismong araw na to! Halos kalahating oras din akong late dahil dun. Kainis.

At ang nakadagdag sa kamalasan?

Isusuot ko palang ang combat shoes ko. Naka sneakers pa kase ako dahil sa di ko pa alam ang tamang pagsisintas. May tinuro kase last week pero nakalimutan ko naman. (pasensya na ah?) Ang balak ko sana dito ko na susuotin tapos magpapaturo ako kay Mona. Kaso nga lang, malay kong may traffic na magaganap?

Argh! Isa talaga ang CAT sa pinaka ayaw kong bahagi ng week. Bukod sa tuwing sabado ito nagaganap (na dapat pahinga namin), yung mga officers super higpit! Tinalo pa ang kasungitan ni Mr. Torsillias eh. Galit galit at walang kai-kaibigan.

Ayoko rin nang nakapusod ang buhok ko. Pakiramdam ko ang laki laki ng mukha ko. Ayoko nang nakatuck-in na t-shirt at ayoko ng black kase mainit. At kung iisipin, first year palang kaya kami! Bakit naman yung ibang schools tuwing senior year lang meron? Daya!

Nagsitakbuhan na ang mga kaklase ko sa harap ng Corps Commander namin at nagform habang ako, napaupo muna sa gilid habang nagmamadaling tinatanggal ang rubber shoes ko.

Sa kalagitnaan ng pagkakataranta, napansin kong papalapit sya.


Patay.


Agad akong umiwas ng tingin sa kanya na kunwari ay wala akong nakita.

Lagot na lagot na ako ngayon. Bakit?

Dahil paparating na sya.


Si Vance Lacerno, na may seryosong mukha.

Nakakataranta di dahil sa nararamdaman ko sa kanyang... alam nyo na, kundi dahil sa officer sya.


Officer ng CAT si Lacerno!


Ibang iba sya tuwing CAT. Believe me, di mo papangarapin na makausap sya tuwing sabado dahil sa araw na to, ang dating palakaibigan na si Vance ay nagiging serious, masungit at heartless monster na kinakatakutan ng lahat.

Focus lang ako sa pag aayos ng combat shoes ko. Kailangan ko nang bilisan.

"Torres." Napakapit ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Tinawag nya kase ako ng may matigas na tono. "Faster."

"Sir yes Sir!" Di na ako tumingin sa kanya. Itinuon ko nalang ang sarili sa pagsintas ng combat shoes ko.

Ang sungit talaga. Pakiramdam ko nga minsan di sya itong pumapasok tuwing sabado eh. May kambal kaya tong lalaking to?

Hay ano ba Say? Focus lang kase dyan! Ang daming iniisip eh. Bulong ko sa sarili ko.

Pakiramdam ko na nakamasid lang sya sakin habang inaayos ang sapatos ko. Kita ko pa kase ang paahan nya sa bandang gilid ko. Nac-conscious tuloy ako sa ginagawa ko.

Mamaya pa, napalingon ako sa likuran nang may naramdaman akong paparating. Sila Faye at Ralf pala. Late rin ata dahil sa traffic. Iisa lang kase ang daanan namin papunta dito.

YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon