1.18 Ow No!
...
Ang bilis ng panahon at akalain mo yun? March na!
Parang di man lang dumaan ang February sa sobrang bilis ng mga araw!
Patapos na ang klase namin at dalawang linggo nalang, bakasyon na. Kaya heto kami, gahol na gahol sa paggawa ng projects para pirmahan ang mga permits namin.
Akala ko makakaenjoy na ako ng tuluyan dahil matatapos na ang pasukan. Di na rin kase nagtuturo ang mga teachers namin sa ibang subjects, plus, kaka fieldtrip lang namin sa Subic nung nakaraang linggo (at naghabulan pa kami ni Vance sa batuhan sa tabi ng dagat. Ang dami ko tuloy pasa sa paa. Huhu lang. T_T)
Kaso, iba nga talaga ang expectations sa reality. Ngayong linggo kase, bukod sa tambak na requirements na gagawin, Achievement Test pa namin ngayon! Diba, kakasabog sa utak lang?
"Huy Say." Tawag ni Mona sakin. Napatingin ako sa kanya, di tinatanggal ang nakaharang na libro sa mesa. "Tama na muna yang pagbababad mo sa GenSci. Baba muna tayo sa canteen."
"Sige lang. Mauna na kayo. Di pa kase ako nagr-review sa GenSci. Baka mabokya ko pa to." Helpless na sabi ko saka patong ng baba ko sa nakabuklat na libro.
"Sure ka dyan?" Paninigurado ni Mona.
"Oo nga. Baka mamayang lunch nalang ako sumabay senyo. Kakabisaduhin ko pa kase yung formula eh."
"Grabe ka Say. Di kita kinaya!" Singit ni Cindy habang inaayos ang bag nya. "Mabuti di ka pa nababaliw sa kakareview dyan. Kanina ka pang umaga eh."
"Malapit na akong mabaliw Cindy. Di mo lang alam." Tumingin ako sa kanya nang may sarkasmo. "Di ko pa nagagawa yung project sa History! Plus! Nawawala pa yung notebook ko sa Elective! Di ko tuloy alam kung mapipirmahan ni Sir yung clearance ko dun." Ngawa ko sa kanila.
"Sabi ko sayo, break muna eh." Sabi ni Mona.
"Okay. Pero mauna na kayo. Di kase ako makareview sa canteen. Maingay. Susunod ako sa inyo. Promise." Nasapasabi ko nalang.
"Good." Sabi ni Mona saka pat sa balikat ko. "Sunod ka ah? Una na kami."
"Yep." Sabi ko at narinig ko nang sumara ang pinto ng room namin.
Kung nagtataka kayo kung bakit haggard ako sa kakareview ng GenSci, mababa kase lahat ng quizzes ko! Pag itong achievement ibinagsak ko pa, patay tayo kay Mama. Di pa naman yun sanay makakita ng bagsak na grade sakin nung elem.
Narinig kong isa isa nang nagsisialisan ang mga kaklase ko sa room para mag recess. Nang tiningnan ko naman kung sino ang natira sa room, dalawang tao lang ang nakita ko. Si Dahlia, na busy sa pagkakabisa ng elements at si Vance na nananahimik sa pwesto nya.
Makita palang si Vance, may kilig na akong nararamdaman. Bigla tuloy nagflashback yung mga harutan namin nung fieldtrip nung nakaraan. Tinuruan nya ako pano lumangoy, kaso mahirap daw akong turuan kaya inangkas nya ako sa likod ng buong maghapon. Naghabulan pa kami sa buhanginan (batuhan talaga yun eh. T_T) at pinagtulungan naming ibaon sa buhangin si Mingmong at si Patric. Ang saya saya!
Tuwing naalala ko yun, nangingiti ako ng wala sa oras. Parang ngayon, nakangiti ako habang tinitingnan si Vance sa sulok ng room.
Mukhang nagrereview rin pala sya. (Bat pa kailangang magbasa Vance? Matalino ka na!)
"UYYYYYYYY~ Nakatingin sya~"
Agad naman akong napatignin kay Dahlia. Nakangiti ito ng malapad habang itinataas taas ang mga kilay nya.
Nako lagot Say. Huli.
Mukhang di naman napansin ni Lacerno ang sinabi ni Dahlia dahil nagpatuloy lang ito sa pagrereview. (Nakaearphone rin kase sya.)
"Uyyyy! Crush mo si Lacerno noh?" asar pa ni Dahlia sakin.
"Di ah~" sabi ko saka iwas tingin.
Halaaaa~ feeling ko kahit anong tanggi ko buking na talaga ako. Huhu. Di to pwede! >_<
"Weeeh~ E bat ka nangingiti habang tinitingnan sya?" (-- ,)
"Wala lang. Masama bang tingnan sya?" patay malisya kong sabi sa kanya. Akala ko titigilan na ako eh, kaso tong si Dahlia, grabe makatitig. T_T
Waaah~ Wag mo na akong asarin please! >_<
Mamaya maya pa, nakita ko sa peripheral vision si Vance na tinaggal na ang earphone sa tenga at nagsimula nang ayusin ang bag nito. Mukhang pababa na rin ito papuntang canteen.
"Oy, Vance."
Agad namang napalingon si Vance kay Dahlia at itinaas ang kilay na parang nagtatanong.
"Crush ka daw nya oh." ^__^ Sabi nya saka turo sakin.
O_O
Waaah~ Grabe Dahlia, wala naman akong sinabi eh~!!! >_<
Nakita kong confused na napatingin sakin si Vance dahilan para mapalunok ako ng laway.
*gulp*
"Wag k-ka maniwala dyan Vance." Napasabi ko naman. Halatang kinakabahan. Hooo!
"Vance oh. Yeeeii~" Asar pa ni Dahlia kaso tong si Vance, umiling lang tas napangiti.
"Narinig ko usapan nyo kanina. Wala akong napakinggang ganun." Sabi ni Vance tas napatayo na sa upuan nya. Nginitian nya lang ako bago sya lumabas ng room.
Yun naman pala eh. Narinig nya! ^0^
Diba? Wala naman akong sinasabi!
Ano ka ngayon Dahlia? Mehehehe! :P
Pero wait... napakinggan nya???
OMG...
OxO
ibig sabihin...
...narinig nyang tumitingin ako sa kanya habang nangingiti??? O_O
OW NOOO. >_< !!!!
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Genç KurguDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...