1.7 Swing

21 2 2
                                    

1.7: Swing

...

Riiiiiingggg!

Recess time.

Nagpaalam akong di muna makakasabay kila Mona. Pupunta kase sila sa 7th floor pala maglibot. Tutal feel ko naman ang kasentihan na meron ako, gusto kong tumambay sa swing. Umaabon kase kaya masarap mag emo. Medyo disappointed din ako kase di kami nakapag-usap ni Vance. Nalate kase nang dating ang school service kanina kaya homeroom na nung makapasok sya ng room.

Mag-isa akong bumaba habang nakikinig ng music sa earphones ko. Konti palang ngayon ang mga tao. Kakabell lang kase kaya ayun, mag-isang naglalakad sa hallway ang peg ko ngayon. Mamaya maya pa, nasa quadrangle na ako. Tumakbo pa ako papuntang swing kase medyo umaambon.

Nang makarating ako dun, napansin ko yung batang lalaki na nag-iisang nakaupo sa swing.

Nilapitan ko sya at napatayo sa harapan.

"Bata." Napatingala sya sakin. Agad ko syang nginitian. "Okay lang ba na umupo ako sa tabi mo?"

Malamya syang tumango sakin. Napaupo ako sa gilid na bahagi ng swing saka dahan dahan sinimulang idinuyan ito.

Tahimik lang kami ng matagal. Pinapanood ko lang ang ambon na lumakas. Di naman ako namomoblema kahit pa umulan ng malakas, may bubong naman yung swing na to kaya pwede paring tambayan.

Feel na feel ko ang kanta ni Taylor Swift na White horse nang biglang nalowbat naman yung phone ko. Badtrip lang, parang kakacharge ko lang kanina nito ah? Anyare? T_T

Ayun tuloy, ang boring bigla. Pinagsisihan ko na talaga kung bakit di ako sumama kay ila Mona.

Mamaya maya, (dahil siguro sa pagkabagot) napalingon ako sa batang lalaki sa tabi ko. Mukha syang nasa Grade one? Basta elem. Kasalukuyan syang nakatingin sa sapatos nya habang idinuduyan ang sarili sa swing.

Dahil sa nacurious ako sa bata, kinausap ko na.

"Hi. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya nang may palakaibigang tono.

"Thomas po." Sagot nya. Ngumiti lang sya ng saglit sakin.

"Ahhh. Bat ka mag-isa? Asan na yung mga kaklase mo?"

"Nasa canteen." Matipid na sagot nya.

"E... Bat di ka sumabay sa kanila?"

Nakita kong ikinunot ng bata ang noo nya.

"Ayoko sa kanila." Malungkot na sabi nya habang tinitingnan ulit ang sapatos nya.

"Hala bakit?" Tanong ko pa. Mukhang okay lang naman sa kanya na kausapin ko sya.

"E kase... lagi nila akong inaasar." Nakabusangot nyang sabi.

Aww. Binubully pala sya.

Kahit papano naranasan ko na rin yan nung elem pa ako kaya nakakalungkot lang. :'(

"Alam mo..." nilapitan ko sya saka tinap sa balikat. "Wag mo nalang silang pansinin. Kung naaasar ka na... Wag mo nang ipakitang naaasar ka. Kase mas natutuwa sila. Dapat maging strong ka."

"Strong?" tanong ng bata.

"Yep. Strong." Nginitian ko lang sya. Nakita ko rin syang sumagot ng ngiti sakin.

"Anong pangalan mo Ate?" Tanong nya bigla. Medyo nag enlighten na yung mukha nya kesa nung kanina.

"Tawagin mo nalang akong Ate Say."

"Ahhh. Ate Say." Sabi pa nya habang tumatango tango. "E bat mag-isa ka rin Ate Say? Ayaw mo rin ba sa mga kaklase mo?"

Napatawa ako ng mahina. "Di naman Thomas. Trip lang ni Ate Say mag-isa ngayon."

YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon