1.12: Someday

15 1 0
                                    

1.12: Inspired?

...

"Wow Ate! Himala!"


Agad akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang gulat. Grabe naman kase makareact tong si Santi, pangalawang kapatid ko.

Kelangang sumigaw?

"Anong himala?" curious na tanong ko.

"Nag-aaral ka bang tumugtog ng gitara?" tanong nya. Curious syang napatingin sa ginagawa ko habang ako, hirap na hirap sa kakapwesto ng daliri ko sa tamang strings. Mahirap pala to kesa sa inaasahan ko.

"Ano bang sa tingin mo?"

"Nice." Sabi nito saka umalis na para makahanap ng pagkain sa kusina.


Oo na. Oo na.


Nag-aaral ako ng gitara.


Nakakagulat?


Oo nga eh. Nagulat rin ako sa sarili ko.


Di ko inisip na mag-aaral ako sa pagtugtog nito. Gusto ko lang kasing idisplay tong gitarang to o kaya gamitin lang sa tuwing gagayahin ko si Taylor Swift.

Ewan ko ba sa sarili ko. Matapos kong mapanaginipan yung kaninang umaga, di na yun maalis sa isipan ko. Yung expression ni Vance, yung tingin nya at yung duet naming dalawa. Buong araw yung gumulo sa utak ko dahilan para mailang ako kanina kay Vance nung kinausap nya ako.

Pagkauwi na pagkauwi ko kanina, agad akong naghalungkat ng songbooks at hinagilap kung may chords ba ako ng Your Guardian Angel na paboritong kanta ni Vance. Swerte namang meron.

Agad kong kinuha ang gitara ko saka pinag-aralan muna ang bawat letra. Mabuti talaga at may guideline ng pwesto ng mga daliri sa pinaka gitnang bahagi ng song book na yun.

Matindi lang ang epekto ng panaginip na yun. Parang gusto kong gawing totoo. Parang gusto ko na baling araw, manyayari yun. Kakanta kami ng sabay ng paborito nyang kanta, habang ako ang nagigitara.


Di naman imposible diba?



Hay nako. Iba talaga ang nagagawa ng mga taong inspired ng sobra. :D

YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon