1.3: Magellan Song
...
"Grabe noh? Ang kulit nung bagong history teacher natin." Sabi ni Cindy sa amin ni Mona at ni Katie habang pababa kami ng hagdan.
"Oo nga. Haha." Singit na sabi ni Mona.
Kakatapos lang ng History class namin at halos lahat ng mga kaklase ko, bukambibig ang bagong teacher namin. Si Sir Terante.
Sa totoo lang, medyo nalungkot ako nung malaman ko na aalis ang ex-history teacher namin. Naging paborito ko kase sya. Magaling kase syang mag-explain. Pero okay naman din si Sir Terante. Magaling naman din syang magpaliwanag at di naging boring ang lecture. Ang dami kase nyang patawa.
"Oy Say." tawag ni Cindy sa akin.
"Hmm?"
"Ano yung kantang kinanta ninyo ni Sir kanina?" takang tanong nya.
"Ahhh yun ba?" Napakamot ako sa ulo. "Kay Yoyoy Villame yun. Magellan Song."
Kanina kase bilang introduction sa Philippine History, kinanta ni Sir Terante ang Magellan Song. At dahil sa alam ko, naki kanta na rin ako. Nakipalakpak pa nga yung mga kaklase ko e.
"Bat mo alam yun?" Umiral na naman ang pagiging curious ni Cindy.
"Wala. Paborito kase ng tatay ko si Yoyoy. Madalas pinapatugtog yun sa bahay." sagot ko.
"Ahhh..." tumango tango nalang si Cindy.
Sabay na kaming bumabang apat papuntang tambayan. Saan pa? Edi sa swing! Doon na kami naglalagi tuwing recess. Minsan rin sa lunch kung may oras pa pagkatapos namin kumain sa canteen.
Kasalukuyan kaming nagk-kwentuhan at naghaharutan habang nagduduyan nang biglang nagsalita si Mona.
"Tara canteen tayo. Bili lang ako ng ice cream." Yaya nya.
"Dali! Sama!" agad namang react nitong si Katie. Dali daling tumayo sa swing. E sa matakaw sa ice cream e. -_-
"Wait! Sama ako!" Si Cindy yan, nagmamadali na ring tapusin ang pag-iipit sa buhok nya saka dampot ng backpack nyang Jansport.
"Huy! Ikaw Say? Sama ka?" Tanong bigla sakin ni Katie.
"Ahmm. Dito nalang ako. Antayin ko nalang kayo." Nginitian ko lang sila. Tinatamad kase akong pumuntang canteen. Medyo maraming tao ngayon lalo na recess rin ng ibang college students.
"Sure ka? Baka may ipapabili ka." Alok nitong si Cindy sakin.
"Wala na. Okay na ako dito promise. Babantayan ko nalang mga gamit nyo." :) sagot ko.
"O sya. Pabantay nalang nitong backpack ko ah?" Bilin ni Cindy saka lapag ulit ng bag nya sa tabi ko. Napatango nalang ako bilang sagot at pagkatapos nun, sabay na silang bumaba papuntang canteen at iniwan akong mag-isang nags-swing.
Centi centihan habang nagduduyan ang peg ko ngayon. Feel na feel ang sikat ng araw na direktang tumatama sa mukha ko. Musta naman mamaya, for sure oily face na naman ako. Pero wala na akong pake doon. Feel kong ibilad ang mukha ko sa araw.
Pagkatapos nang ilang minuto ng kakaswing, dahil sa nakaramdam na ako ng pagkabagot, (di pa sila nakakabalik, malamang naipit na yun sa matinding traffic sa canteen. Sabi na e!) kinuha ko na ang phone ko at nagpatugtog ng music na kakabluetooth ko lang kay Ivan kanina.
Feel na feel ko na ang Solo ni Iyaz nang biglang matapos ang kanta at napalitan ng isang familiar na tunog.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...