1.11: Me and You
...
Tahimik lang akong nagduduyan sa swing bitbit ang isang gitara na bigay pa sakin ng tatay ko nung graduation day nung elem. Wala pang tao nun at parang ako palang ata ang nandito sa school.
Umaambon at maginaw pero para bang ang saya saya ko sa di malamang dahilan.
Mamaya maya pa ay natanaw kong may papalapit sakin. Dala dala ang kanyang famous smile, kumakaway si Vance sakin at nakiupo na rin sa duyan kasama ko.
"Hi Say." Bati nya sakin. Nginitian ko naman ito ng malapad.
"Marunong ka palang magitara?" tanong nito. Napatango ako at napatingin sa hawak kong gitara. "Ang galing naman. Gusto ko sa mga nagigitara."
Para bang may kilig na gustong kumawala galing sa kalooblooban ko dahil sa sinabi nya. Mas lumapad pa ang ngiti sa labi ko at ramdam na ramdam ang init ng pisngi ko.
"Kanta ka nga ng paborito ko. Pwede ba?" Request nito habang binibigyan ako ng mapanuyong tingin.
Di naman ako nagpapilit pa at dali daling inayos ang pwesto ng gitara sa kandungan ko at sinimulan na ang pagtugtog ng gitara.
When I see you smile,
Tears run down my face,
I can't replace...
Kinakabahan, pero maayos parin ang pagkakakanta ko. Nakatingin lang ito sakin at para bang ayaw kumurap ang mata. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang ipagpatuloy ito dahil sa titig nyang nakakailang. Baka magcollapes ako dito ng wala sa oras.
Mamaya maya pa, sumabay na rin sya sakin sa pagkanta.
And now that I'm stonger I've figured out...
How this life turns cold and it breaks to your soul...
And I know I found deep inside me...
I can be the one...
I will never let you fall...
I stand up with you forever...
I'll be there for you through it all...
Even if saving you sends me to heaven...
Agad kong tinapos ang kanta at napaharap sa kanya.
Pareho kaming nakangiti. Salamat at mukhang enjoy naman nya ang pagkanta ko.
"Say." Di ko maiwasang mamula nang bigla nitong hinawi ang buhok ko sa mukha. "Ang galing mo." Nakangiti pa nyang sabi.
Doon ako nakaramdam ng kung ano sa loob ng puso ko.
Nagtatalon? Umiikot?
Nagwawala yata ang tamang term para doon.
"Vance..."
Pero di ko naituloy ang sarili ko nang may narinig akong...
I will never let you fall...
I stand up with you forever...
"Say. Parang awa mo na. Patayin mo na yang alarm mo kung hindi ka magigising ng maaga. Puyat ako." May nagsalita sa tabi tabi pero hindi iyon boses ni Vance, o kahit sakin.
Boses yun ni Mama.
Wait? Alarm?
Doon ko lang narealize na lahat nang iyon ay...
Dahan dahan kong minulat ang mata ko galing sa pagkakahimbing.
...Panaginip lang pala.
Waaaaah! >_<
Grabe parang totoo yun ah? Bakit di nalang totohanin ang lahat? Kaasar! T_T Panaginip lang pala! Umasa ako dun ng todo eh! Yun na yun eh! Moment ko na! Tae lang talaga. T_T
Pero oo nga noh? Paano magiging totoo yung nanyare, eh di naman ako marunong magitara?
Hay nako. -_-Napakamot ako sa ulo.
Napaupo na ako sa kama. Pinatay ang phone ko na kanina pa nag-aalarm (ng Your Guardian Angel) saka napabangon na para maghanda para sa school.
Makulimlim na umaga? Swing? Gitara? Duet sa pagkanta? Vance?
Seryoso Say?
Ewan ko sayo. -_-
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Fiksi RemajaDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...