1.6: Say What?!
...
"Good morning Maam." Bati ni Manong Guard sakin. Sinagot ko sya ng ngiti bago pumasok sa loob.
Time check: 5:45 am
Maaga? Shempre naman. Dapat kong agahan na.
Isang linggo narin ang nakakalipas simula nung una akong pumasok ng ganito kaaga. Pagkatapos ng araw na yun, napag isip-isip ko na okay rin naman maging maaga naman for a change.
As usual, wala paring tao maliban sa mga janitor at sa janitress na busy sa pagwawalis sa quadrangle.
Napaupo ako sa upuan na isang linggong pwesto na namin ni Vance dito sa lounge. Tutal bawal pang pumasok sa room (dahil bubuksan ang aircon at para tipid sa kuryente) dito muna kami nags-stay para antayin ang flag ceremony.
Madalas si Vance ang susunod na darating kasunod ko. Minsan din si Andrei ang nauuna sa kanya (pero isang beses palang nanyayari yun.)
Madalas na kaming nagkakakwentuhan ni Vance habang nag-aantay. Kung ano ano lang. Feeling ko nga mas naging close ko sya eh. Nung nakaraang araw lang, sumabay ako sa lunch sa kanila Ralf (aka mingmong), Rafael (laugh monster), Benjie (Master of death daw?), Patric (munggo?) at Vance. May iba kasing pinuntahan sila Mona. May naganap rin kaseng konting tampuhan sa amin nun pero nagkaayos rin kami after ng lunch.
Nung nakaraang araw rin, madalas na kaming sabay ni Vance lumabas ng room pag-uwian na. Ang kulit nga nya kase ayaw nya akong paalisin hanggang hindi pa nahahanap yung ibang ihahatid ng tatay nya. Kwentuhan parin kami nun. Ang weird nyang kausap pero ayos naman. Wala akong reklamo sa kanya. :) Matatapos lang ang chikahan pag puno na yung school service. Magpapaalam na sya sakin tapos sasakay na sya dun para makauwi.
Di sya masamang maging kaibigan. Ang kulit nya kase, kahit na minsan ang sungit sungit, ang bait nya sakin.
Isa pa, natutuwa ako sa kanya kase nga (makailang beses ko nang nasabi to sa inyo) na kamukhang kamukha nya ang paborito kong artistang si AJ Perez. Pareho sila ng mata at ng ngiti. (oo na, nasabi ko na nga to dati sa inyo. Ako lang tong makulit. Pero swear, magkahawig sila. >_<)
Sa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip, narinig kong may nagtatawanan nang mga bata. Cue na to na andyan na si Vance.
Agad kong inilagay ang bag ko sa upuang harap ko para sa tabi ko sya maupo at hindi sa harapan.
(*play Paraparaan by Nadine Lustre*)
Anong paraparaan ka dyan! Bat ba biglang nagp-play to sa utak ko? Seryoso? -_-
Parang asar ng utak ko. Sinapok ko nga gamit ng imagination.
Ang gusto ko lang makatabi ko sya para mas maayos ko syang makausap. Yun lang OKAY?
Umiling lang ako ng madaming beses para mawala tong nasa utak ko. Minsan pinagtataka ko kung nababaliw na ba talaga ako dahil sa nag-iisip ng mag-isa tong utak na meron ako.
"Ate Say!"
Agad naman akong napalingon sa likuran ko. Kitang kitang nagmamadaling bumababa ng hagdanan si Venus (kapatid ni Vance) habang kumakaway.
Itong batang to talaga.
Napatingin ako sa kasunod nya. Si Vance bitbit bitbit ang pink na strawberry shortcake na bag ni Venus. Napangiti to nung nakita nya ako kaya ngiti narin ang sinagot ko.
"Ate Say!" Hingal na hingal na huminto si Venus sa harap ko. "Good morning po!" ^0^
"Naku Venus. Bat kase tumatakbo?" Kumuha ako ng bimpo sa bag ko saka pinunasan sya ng pawis. "Tingnan mo, kaumaumaga pinagpapawisan ka."
Ang energetic talaga nitong batang to.
"Good morning Say." Sabi ni Vance at inilapag ang bag nya sa tabi ng bag ko katulad parin ng dati. Napaupo naman sya sa tabi ko katulad ng plinano ko.
Plinano?
Umiling ulit ako para di ko maisip yun. Ano ba tong pinag-iisip ko? T_T
"Venus oh!" Agad kong dinukot ang mga biniling candy ko sa bulsa saka bigay sa kanya. Tuwang tuwa naman si Venus. Ang hilig talaga sa candy.
"Thank you Ate!" Niyakap pa ako ng saglit bago tumakbo sa mga kaibigan nya.
"Vance." Sabi ko saka alok sa kanya ng Max menthol. Ang hilig sa maaanghang na candy. Kinuha naman nya agad.
"Thanks." :)
At pagkatapos nun, nagsimula nalang kaming magkwentuhan ng kung ano ano.
*sigh*
Sana naman matagal pang dumating si Andrei. :D
Wag kayong ano dyan ah?Nag wish lang ako nun kase pag andyan si Andrei, di ko na alam yung mga pinag uusapan nila. Yun lang. ^_^#
Brain: Weeeh~ Yun lang ba talaga? (grin)
-_-++
ARGGGGHH!
Okay! Shut up brain! Shut up!
Oo na! Aamin na!
Ano kase eh...
*inhale* *exhale*
Crush ko na ata si Lacerno? T_T
Say what?!
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...