1.1: First Day
...
Pinaka unang araw ng pasukan ng aking pinaka unang taon sa highschool. At masasabi kong ito na ata ang araw kung saan ay kinabahan ako ng todo.
Isipin mo, bagong school, bagong classmates, bagong teachers?
Wala man lang kakilala ni isa. Naninibago pa ako kase ibang iba ang mga taong nandito kesa sa nakasanayan ko nung elem pa ako. Parang lahat ata ng mga bagong kaklase ko rich kid. Engleshero't englishera pati.
Umaalingawngaw sa loob ng room ang ingay galing sa mga bunganga ng mga bago kong kaklase. Nakakabore naman! Wala man lang kumakausap sakin. T_T
Malamang Say, di ka nagsasalita dyan eh. Kung lapitan mo kaya sila noh?
Kaso di rin eh. Di naman kase ako yung tipong lumalapit at magpapakilala. Mas komportable akong mag-antay sa kanilang kausapin ako ng una. Sabihin nating pa special, pero kung sila kase ang unang lalapit, mas bukas ang loob nilang kausapin ako. Minsan kase diba, pag ikaw ang unang nakipagkaibigan, di mo alam kung gusto ka rin nilang kausapin at maging kaibigan. Naniniguro lang ako ng makakasama buong year. Yun lang.
Dahil na rin sa sobrang boring, halos makilatis ko na ang berdeng dingding ng kwarto at lahat ng karatulang nakalagay sa loob ay nabasa ko na. High school na high school ang datingan ng room na to. Puro Figures of Speech kase ang nakadisplay at di ang ABC's na karaniwang nakikita sa elem rooms.
Palinga linga nalang saking mga bagong kaklase at nanatiling tahimik hangang sa makarinig ako ng pagbukas ang pinto. Biglang nagsitahimikan ang buong klase (sa wakas!) at napatingin sa pintuan.
"Good morning class." Pumasok ang isang babaeng nagdadalang tao, buhat buhat ang isang laptop, at isang libro na pinamagatang Pathways.
"Good morning Maam." Automatikong bati namin kay Maam habang patayo.
"You may sit down." muli kaming nagsiupuan.
"I'm Ms. Rita Lourdes and I will be your adviser for this year." Pakilala nya habang inaayos ang gamit nya sa mesa.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Isa kase sa kinakatakutan ko ay ang terror na teachers sa highschool. Si Ate Sammy kase, kaibigan kong nasa 4th year na, sinasabing strikto daw ang mga teachers sa ganitong level!
Mabuti nalang mukhang mabait si Maam. Mahinhin kase sya magsalita tas maamo ang mukha. Hindi sya katulad sa sinasabi ni Ate Sam na mga teachers na nangangain ng bata!
"Hmmmm."
Inilibot ni Maam ang mata sa buong room na para bang may hinahanap. Mamaya maya pa, lumapag ang mata nito sa isang tahimik na lalaking nakikinig lang ng music gamit ng earphones nya. "Yun!" Napangiti tong si Maam ng malapad.
"Lacerno!" tawag ni Maam sa lalaking may earphones kaso, di ata sya narinig kase nga nakikinig ng music. "Vance!"
"Huy Vance. Tawag ka." Siniko na sya ng katabi nya at doon lang napansin ng lalaki na nakatingin sa kanya si Maam Lourdes. Tinaggal lang nito ang earphone sa tenga saka nagsalita.
"Maam?"
"Pwedeng puntahan mo muna si Maam Carbonell? Sabihin mo kamo yung attendance."
Napatango lang ang lalaking iyon saka tumayo sa upuan nya.
"Excuse me po."
May kukunin sana ako sa bag ko nang may nagsalita.
Napatingin ako sa lalaki. Yung naka earphones pala to! Di ata makadaan kase nakahara yung upuan ko sa gitna.
"Ay sorry." Agad kong inurong ang upuan ko para makadaan sya. Nakita ko naman syang napangiti bago sya lumagpas sakin.
At sa ngiti na yun? Doon ko naalala si AJ Perez. Ang favorite na artista ko! Magkahawig kase sila ng ngiti at mata!
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng room. Di ko napansin na nakangiti pala ako. Magkahawig talaga eh. Ang galing!
"Okay Class." Napabalik ulit ang atensyon ko kay Maam na ngayon ay masayang nakangiti samin. "Dahil first day ngayon, gusto kong magpakilala kayo isa-isa. Okay?"
Hays. Oo nga pala, magpapakilala. BO-RING.
Nubayan. Kala ko wala nang ganun sa highschool. Meron parin pala.
Haaay. Sana matapos na agad klase ko. Manonood pa ako ng He's Beautiful mamaya. :D
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Dla nastolatkówDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...