1.10: Favorite Song
...
"Ate Saaaay!"
Sa sigaw na yun nagsisimula ang araw ko sa school.
Ang tawag ni Venus habang tumatakbo palapit sakin.
"Wag nang tumakbo. Pasaway talaga." Napailing ako pero nakangiti parin sa kanya. Ang aga aga ang taas ng energy.
"Good morning po!" bati nya saka ngiti ng malapad.
"Good moning din Venus." Ibinalik ko naman sa kanya ang ngiti.
Mamaya maya pa, nakita kong paparating na si Vance. Naka earphone as usual, nakasabit ang backpack sa isang balikat, naka pamulsa at suot suot ang ngiti sa labi.
"Morning."
"Morning din."
Kami parin ang nauuna sa mga estudyanteng pumasok. Halos isang buwan nang ganito ang set up namin. Minsan, pati yung isa nilang kapatid na si Vench nakikisama samin at nakikikulit. Pero minsan lang talaga. Madalas kase na nasa labasan sya at nag-aantay ng mga paparating nyang mga tropa. Medyo seryoso sa buhay yun pero mabait naman.
"Candies?" Alok ko sa mag-kuya. Kumuha naman sila ng tig-isa.
"Thanks." Bulong ni Vance sa tabi ko. Yan na ang official na upuan nya.
"Ate Say..." napatingin ako kay Venus. "Pwedeng pa tirentas ng buhok ko?"
"Sure!" agad na sagot ko. "Halika dali."
Kumuha ako ng extra na rio sa bag ko saka sinimulan ang pagtirentas sa kanya.
"Ang tagal ko nang gusto to." Out of the blue na sabi ko.
Mukhang nagtaka si Vance.
"Huh? Anong gusto?"
"Mag tirentas ng buhok ng batang babae." Napatawa ako ng mahina. "Puro kase lalaki mga kapatid ko. Ako lang ang babae. Matagal ko nang wish magka baby sister para naman may makalaro ako saka may ipitan ako ng buhok."
"Ilan ba kayong magkakapatid?" Biglang tanong ni Vance.
"Tatlo."
"Bunso ka?"
Umiling ako. "Hindi. Panganay."
"Ahhh. Parehas pala tayo." Napangiti sya. "Kung gusto mo ng baby sister, sayo nalang yang si Venus. Ampunin mo na." Natatawang sabi nya.
"Kuya!" Hinampas ng mahina ni Venus si Vance. Ang kulit nilang magkakapatid.
Tinapos ko na ang pagtitirentas sa kanya at inayos ang headband sa buhok nya. Pagkatapos nun ay tumakbo na ito sa mga kalaro nya dahilan para maiwan kami ni Vance sa pwesto.
"Magpapatugtog lang ako Say ah?" Biglang sabi ng isa sa tabi ko.
Napatawa anaman ako ng mahina.
"Bakit kelangan pang magpaalam?"
"Malay ko, baka ayaw mo pala ng maingay." Itinanggal nito ang earphones na nakakabit sa phone nya at ibinulsa.
"Okay lang yun sakin. Sus."
Mamaya maya pa, narinig kong nilakasan na nito ang volume ng phone at inilapag sa mesa.
Ang kantang iyon ulit ang narinig ko.
When I see you smile,
Tears run down my face,
I can't replace
And now that I'm stonger I've figured out...
How this life turns cold and it breaks to your soul...
And I know I found deep inside me...
I can be the one...
I will never let you fall...
I stand up with you forever...
I'll be there for you through it all...
Even if saving you sends me to heaven...
Iba talaga ang epekto sakin ng kantang to. Parang naririnig ko, parang ang sarap magsenti habang nagduduyan at kinakanta to...
Kasabay ni Vance.
Joke! Wala kayong narinig diba? -_-
"Ang ganda talaga ng kanta." Napabulong ko bigla.
"Favorite ko yan." :)
Agad akong napatingin sa kanya. Nginitian nya lang ako.
"Feeling ko magiging favorite ko na rin. Ang ganda kase eh." Napasabi ko. Pagkatapos nun, tahimik na kaming nakinig. Di mawala wala ang ngiti samin.
Favorite song nya pala to.
Makadownload nga mamaya. :DDD
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Roman pour AdolescentsDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...