1.4: Graded Recitation
...
"Hala patay!" Napakapit sa noo si Cindy. "Nakareview kayo para sa graded recitation sa Science?"
Napakamot ako sa ulo. Patay na. Bakit ba sa lahat ng makakalimutan kong gawin, yun pa?
"Nakalimutan ko! Shocks!" agad kong kinuha ang general science book ko at binuklat ang mga nakatuping pages.
"Uy! Wag nyo nalang ipaalala kay Sir!" Sigaw ng isang classmate ko na nakarinig ng usapan namin. Sinundan naman ng sunod sunod na pagsang-ayon ng iba ko pang mga classmates.
Mamaya maya pa...
"Good morning class." Pumasok si Sir Marlon sa room dala dala ang general science book at ang mga index cards namin. "Mukhang ready na kayo para sa graded recitation ah?"
Nagtinginan yung mga kaklase ko. Kunwari gulat na gulat.
Wow. Infairness ah. Ang gagaling magsiarte. Mga artistahin. Haha.
"Hala Sir! Wala kayong sinabi!" sigaw ni Fel sa likod.
"Oo nga Sir. Wala!" Sunod sunod na sabi ng iba.
Nanahimik lang kami ni Mona. Nakakalibang lang panoorin tong mga tong umarte na di nila alam.
"Tss. Kayo nga! Wag nyo akong pinagloloko." Umiiling na sabi ni Sir na parang natatawa. "Sinabi ko na yun sa inyo. Bahala kayo."
Umangal ang mga kaklase ko habang itong si Sir naninindigan parin na talagang sinabi nya ang recitation last meeting. Tinuro pa nga nya kung saang parte ng white board sinulat eh.
Aliw na aliw lang akong nanonood sa kanila nang biglang mapansin kong may umupo sa bakanteng upuan sa likuran. Napalingon ako para tingnan kung sino yun, at guess what?
Nakita ko lang namang prenteng nakaupo si Vance habang nakangiti pa sakin.
"Paupo muna dito ah?" Paalam nya.
Bat naman sakin sya nagtatanong diba? Di naman ako ang may-ari ng upuan?
Tumango nalang ako sa kanya saka ibinalik ang tingin sa harapan.
Ilang minuto pa nagdebate sila Sir at si Fel pero sa dulo, si Sir parin ang may huling halakhak. Wala nang makakapigil sa graded recitation namin.
Nagsimula na ang tanungan ni Sir. Ang daming binabatong questions. Nakahinga ako ng maayos nung masagutan ko ang tanong na binigay sakin. Mabuti nakinig ako nung nakaraang meeting kung hindi baka 60 na ang grade ko sa first recitation. Halos lahat naman kami nakasagot. Medyo madali lang naman matandaan ang mga terms.
Magb-bell na nang may naisip na namang pakulo si Sir Marlon.
"Okay. Bonus question." Nakangiting sabi nya. "Paunahan to ah? Ang makasagot may +10."
Parang nabuhayan ng loob ang mga kaklase ko. Pati pala ako. Sino bang hindi gusto ang +10? Isang quiz din yun no!
May nagrequest na classmate ko na mag review muna ng five minutes pero dahil magt-time na, di na pinayagan ni Sir. Kahit na anong reklamo ng mga kaklase ko nagpatuloy na si Sir sa pagbigay ng question.
"Bakit o paano..." May drama effect pa sya. Napatawa tuloy tong si Cindy sa tabi ko. "...nagkakaroon ng high tide?"
Agad kong tinaas ang kamay ko. Confident na confident ako sa magiging sagot ko. Elem pa ako nung nalaman ko yan kaya sure akong tama ako.
Proud na proud na nakataas ang kamay ko. Iwinawagayway ko pa nga eh. Ako lang ang nagtaas kaya for sure akin ang-
"Vance." Tawag ni Sir.
Gulat na gulat akong napalingon at nakita kong nakataas rin pala ang kamay nito.
"Si Vance ang nauna."
Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko. Disappointed. Sayang din yun. Plus 10 points, babay na. huhu. T_T
"Sige Vance, bakit?" tanong ni Sir saka cross ng braso nya sa dibdib.
"Sir, kase hinahatak ng gravity ng moon ang bodies of water natin sa Earth." :D
"Good. +10." Sabi ni Sir saka lista sa index card nito. Napangiti ng malawak si Vance at nagulat ako nang napatingin ito sakin at napangiti.
"Next time Say." Friendly na pagkasabi nya saka tap pa sa balikat ko.
Huhuhu. Yung ngiti nya! Parang AJ Perez talaga eh! Bat ganun?
Dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko sa harapan. Pakiramdam ko kumukulo na ang dugo sa pisngi ko sa sobrang init. At ang weird kase hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...