"A-anak?!"
Sigaw iyon ng mama ni Lacon o Nick o kung ano man ang pangalan niya.
Sa totoo lang, gustong-gusto na din niyang sumigaw katulad nito. Dahil sa sitwasyong ito, hindi lang ang dalawang babae ang lubos na nagulat sa sinabi ni Lacon o Nick, maging siya man.
What is he even thinking announcing to his mother that I'm his wife?!
Pasalamat na lang siya at sinanay siya mula pagkabata na maging compose sa kahit na ano mang sitwasyon.
"H-hindi ko alam na nag-asawa ka na, Nick..."
Boses iyon ni Cecil. Pinagmasdan niya ang babae. She looked like she was about to cry for receiving what looked to be like the greatest shock of her life! For a moment there, she pitied her. No woman would be happy when the man she loves suddenly got married without her being aware of it!
"Ito ang asawa ko, si Dreena. At ito naman ang anak namin, si Alleck."
Tumitig sa kanya si Cecil. Halata sa mukha nito ang panlulumo.
I on the other hand, maintained a blank expression on my face.
"A-anak... may apo na ako?"
Naluluha namang tinitigang mabuti ng mama ni Nick si Alleck na nakamasid lamang sa mga ito. Good thing hindi naiintindihan ng anak niya ang lengwaheng ginagamit ng mga ito. Ngunit kahit ganon, halata na sa mukha ng anak niya ang pagkalito.
Nilingon niya ang mama ni lacon. Kitang kita niya ang pagkabigla at saya sa mukha nito. She suddenly felt bad... she really really felt bad for involving his mother into this... At mas lalong nakokonsensya siya at naiinis sa sarili dahil hindi niya magawang itama ang mga hinala nito. Alam niyang magiging kumplikado lang kapag nakialam pa siya.
Isa pa, sa higpit ng pagkakahawak ni Lacon sa balikat niya bilang babala, baka di pa man ay nahila na siya nito at naialis ng bahay bago pa niya matapos ang sasabihin!
"Bakit ang laki na niya, Nick? Bakit ngayon mo lang siya ini-uwi? At kay-gwapong bata nito ah. Mukhang hindi siya pilipino. Sabihin mo nga sa akin, ilang taon na ba ang apo ko?"
Humalukipkip siya. Bahala ang lalaking ito na maghabi ng mga kasinungalingan! Hindi na siya makiki-alam pa!
Hinila sila ni Lacon papunta sa sala, medyo madilim kasi sa kinatatayuan nila kanina dahil nakapatay ang ilaw doon at tanging ang ilaw lamang dito sa sala ang nanatiling nakabukas.
Pagkaupo nila sa sofa, agad tinanggal ni Lacon ang sumbrero at salamin na suot niya.
Goodness! She even forgot she's wearing them this whole time!
"S-siya ang asawa mo, Nick? Aba't napakaganda niyang bata!" Singhap ng mama nito.
She blushed at the compliment. Hindi niya alam kung bakit samantalang sanay naman siyang makarinig ng mga papuri noon pa.
Wala sa sariling tumingin siya sa katabi. And there, Lacon was.... she didn't know how to put it... but he looked somewhat...
Proud?
"Kaya siguro sa kanya nagmana ang anak namin.." Sabi pa nito.
Anak namin...
She bit her lower lip at the thought. Mas lalo atang namula ang mukha niya!
"May dugo ka rin namang banyaga kaya may namana din sa iyo ang apo ko. Kung titignan mo nga, mukha talaga kayong mag-ama."
Wala sa sariling tinitigan niya si Lacon. Well, his mother is not lying, they both have the same hair color which is honey brown.. and what surprised her the most was the fact that they have the same eye color--- greyish black.

BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigne
RomanceHis life was saved by a comrade. He owed him his second life. As a token of gratitude, he promised him a favor--- a favor he couldn't refuse. Now after three long years of living a peaceful life outside the battle field, he's back to collect that...