Chapter fifty five

20.9K 618 29
                                    

"Turn off the damn stove!"

Nabitin ang akmang pagpatong ni Mason sa popcorn bowl sa mesa ng marinig ang sigaw ng kaibigan. Mahigpit na niyakap niya ang bowl at tumakbo sa kabilang panig ng mesa ng akmang aagawin ni Nick ang bowl sa kanya.

"You derranged animal! Give me that!"

"My precious..." Mason hissed at Nick.

"Hey hey hey... stop it guys." Awat ni Cece sa dalawa. "Stop acting like a rabid dog Mason." Anito pagkatapos ay lumingon kay Nick. "And what happened to you?" Ang nagtatakang tanong  nito.

"Oo nga, anong meron?" Sabat naman ni Mason.

"Just turn off the goddamned stove!" Nick yelled like a madman.

Mason frowned. "It's just popcorn dude! Pati ba naman ito, pag-iinitan mo?"

"You don't understand, dammit!"

"Eh pano ka namin maiintindihan? Wala ka ng sinabi kundi.. 'turn off the damned stove'. Ni hindi mo ma-claro kung anong ipinagpuputok ng butsi mo! Don't you know that you're getting in between me and the NBA finals? Pag di ko napanood ang pagka-panalo ng manok ko, malilintikan ka talaga sa akin--"

"She's sick!"

Agad napa-preno si Mason. Maging si Cece ay kunot noong napalingon sa gawi ng kaibigan.

"What do you mean she's sick?" Si Cece.

"Oo nga dude. Sinong may sakit? Si Dreena?"

"May ibang babae pa ba akong tinutukoy?" Sarkastikong wika ni Nick.

"Oo nga pala. Si Dreena lang pala ang babae dito." Mason sneered which earned a death glare from Cece. Agad namang nagbawi ng tingin ang una ng mapansin ang matalim na titig ng dalaga. Tumikhim ito. "Okay back to the topic. What do you mean she's sick?"

Muling nataranta si Nick. "She's puking because of the damned smell!"

Mason frowned. "What? Cheddar cheese? What does it have to do with the puking? Hindi naman to nakaksuka ah. Ikaw, nasusuka ka ba?" Tanong nito kay Cece.

"Obvious ba? Nandito pa ako at wala sa banyo di ba?"

"See? Sarcastic lang siya pero hindi siya nasusuka."

Nick sighed in exasperation.

"She said it smells disgusting. So please, will you turn off the goddamned stove?!"

Mason pouted. Hindi na ito nakipag-argumento at sinunod na lang ang utos ng kaibigan.

"I don't even know what's wrong with the smell.." Ang wala sa sariling wika nito.

Nick on the other hand, took the glade and started spraying it in the air. Hindi pa ito nakuntento at pati mga bintana ay pinagbubuksan nito.

Ilang sandali pa, sunod sunod na yabag na ang narinig nila.

Ang humahangos na si James ang sumungaw sa kusina.

"Dreena!" Ang pasigaw na sabi nito sa kanila.

Nick immediately whipped his head on James' direction.

Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon