Nakatayo ako sa may pinto habang pinapanood ang pagsakay ni Julio sa gamit ni mama Rena sa sasakyan. Napahigpit ang hawak ni Alleck sa kamay ko ng humarap si mama Rena sa amin.
"When will you be back?" Alleck asked in a small voice.
"I'll be back before you even know it. Now give your grandmama a tight hug." Ani nito na pilit pinasisigla ang boses ngunit halata naman sa mga mata nito ang kalungkutan na iwan si Alleck.
Kagabi ay nakatanggap ito ng tawag mula sa pinsan nito na nasa Dapitan, Zamboanga. Ayon kay mama Rena, ang pinsan nitong iyon ay isang matandang dalaga. Her cousin is suffering from Leukemia and mama Rena's afraid that she won't last long. Agad agad itong nagpaalam kagabi na pupuntahan nito ang pinsan. We all understand and agreed. Alleck was sad when he learned about his grandmama going somewhere pero kinausap ko naman ito at pinaliwanagan. Naintindihan naman nito at sa huli ay pumayag na din.
"Take care grandmama. I'll pray for your cousin's health."
"You do that okay? At huwag matigas ang ulo. Susundin mo lagi ang sasabihin ng momma mo."
"I will grandmama."
Ngumiti si mama Rena sa akin. Lumipat ang mga tingin nito sa likod ko.
Naramdaman kong may umakbay sa balikat ko. My nostrils were filled with that familiar cologne that never failed to assault my senses.
"At kayong dalawa, kayo na ang bahala dito sa bahay. Alagaan mong mabuti ang mag-ina mo Nick. At wag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang asawa mo."
"Oo mang. Ako nga ang binibigyan nito ng sakit ng ulo eh."
Hindi ko napigilang sikuhin ito sa tagiliran na hindi naman umabot dahil agad nitong nahawakan ang siko ko. Isang masarap na kilabot ang naramdaman ko ng ibaba nito ang siko ko at dumausdos pababa ang kamay nitong nasa balikat ko papunta sa bewang ko. She felt his fingers dig on her flesh. Biglang nag-init ang pakiramdam ko.
"O siya. Aalis na ako. Hindi ko sigurado kung kelan ako makakabalik. Basta't tatawag na lamang ako."
"Opo." Sagot ko.
"Sige, mang. Kami na po ang bahala dito." Si Nick.
"Mag-iingat po kayo." Sabi ko na yumakap dito ng hindi bumibitaw si Nick sa akin.
Pinanood namin ang pag-alis ng sasakyan. Ng tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay saka nagsalita si Nick.
"Magbihis kayo."
"Bakit?"
"We're going somewhere."
"Where?" Excited na tanong ni Alleck.
"Basta." Saka tinitigan kami. "Nevermind. You two are fine. Let's go."
"We are going somewhere!" Masayang sigaw ni Alleck na mabilis bumaba ng hagdan papunta sa nakaparadang sasakyan ni Nick.
Nakangiting sumunod si Nick dito. Sa ikatlong hagdan ng porch ay tumigil ito saka tumitig sa akin.
"Bakit nakatayo ka pa diyan?"
"Ha?"
Nick frowned. "Halika na." Inililahad nito ang isang kamay sa akin. Nag-alangan ako kung aabutin iyon o hindi.
Pinili ko ang huli at saka nagpatiuna na pababa ng hagdan. Narinig ko pa ang marahas na pagbuntong hininga nito pero inignora ko na lamang iyon.
Hindi pa rin ako kumportable na makadikit ito dahil sa tuwing malapit ito ay lagi kong naalala ang mga naganap sa kwarto nito.
Malapit na ako sa kotse nito ng maramdaman ko ang paghagip nito sa kamay ko.
"May mga madadaanan tayong mga kakilala ko kaya kailangan mong lumapit sa akin. I won't go further than holding your hand kaya huwag kang mag-isip ng kung ano."

BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigne
RomanceHis life was saved by a comrade. He owed him his second life. As a token of gratitude, he promised him a favor--- a favor he couldn't refuse. Now after three long years of living a peaceful life outside the battle field, he's back to collect that...