Chapter fifty one

17.8K 505 7
                                    

"Your grace?"

"Hm.."

Nagising siya sa katok sa kanyang pintuan.

Ng medyo mahimasmasan ay napabalikwas siya. Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa kanyang tabi.

Nick..

Wala na ito doon. Dinama niya ang parteng hinigaan nito. The sheets are cold, palatandaan na kanina pa walang nakahiga doon.

"Your grace? Are you awake?"

Lumipad ang tingin niya sa pintuan.

"Just a minute!"

Bumangon siya at nagsuot ng roba. Ang kanyang gown ng nakaraang gabi ay maayos na nakasampay sa upuan ng kanyang dresser. Nasa kalagitnaan siya ng pagsusuklay ng mamataan ang munting papel na nakadikit sa salamin ng kanyang tokador. Nagtatakang kinuha niya iyon.

"I'll be back, I promise."

-Nick

Iyon ang nakasaad sa sulat. Wala sa sariling napangiti siya. Saan naman kaya iyon dumaan para makalabas? Gayong hindi ito maaring lumabas ng main door ng hindi napapansin ng mga katiwala. There's no way he would know about the secret passageways of this estate so where could--

Awtomatikong napalingon siya sa kanyang balkonahe. Tinungo niya iyon. Bahagya pa siyang natawa ng makita ang puting kumot na naka-tali sa barandilya niyon. Hm.. seems like she have to store a rope in her room then, huh?

"Your grace?"

Napalingon siya sa may pinto. Muntik na niyang makalimutan ang maid na nag-hihintay sa labas ng pintuan!

"Just a minute!" Natatarantang sigaw niya bago dali-daling tinanggal ang pagkakabuhol ng kumot. Nang matapos siya ay saka lang niya pinapasok ang maid.

Bumukas ang pintuan. Pumasok ito na may dala dalang agahan. Inilapag nito iyon sa mesita na nasa balkonahe. Bahagya pang kumunot ang noo ng nito ng mapadako ang tingin sa hawak niyang puting kumot.

She cleared her throat.

"I was a bit cold."

"Oh, would you prefer to have your breakfast inside, your grace?"

"Yes please."

Kinuha muli nito ang tray saka inilapag sa mesa na nasa loob ng kwarto niya.

"Where are my cousins?" Tanong niya mayamaya.

"Lord James went out last night and hasn't returned; Lady Elle was out riding and his grace went out earlier this morning, your grace."

Tumango tango siya, "You're excused. I will call you if I need you."

Magalang na tumango ang maid bago lumabas ng kanyang kwarto.

Muli niyang tinitigan ang papel at napa-isip. Where had he gone to?

Nick gritted his teeth as he was harshly ushered inside a room. It looked like a library. The room looked dim because of the drawn curtains at each side of the room. Ang nagsisilbing liwanag lamang ng naturang silid ay ang nakabukas na kurtina sa likod ng malapad na mahogany desk. He felt a nudge on his shoulder. Pasalampak siyang pinaupo sa may sofa ilang metro paharap sa naturang mesa. Papalag na sana siya pero ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang panghihina ng katawan gawa ng gamot na itinurok sa kanya ng mga lalaking kumuha sa kanya kanina.

Palabas na siya ng main gate ng estate kaninang madaling araw ng maramdaman niyang may tumama sa bandang leeg niya. The next thing he knew, he was out-- dead to the world. Paggising niya, hindi niya na alam kung nasaan sila.

Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon