She woke up late. Marahil dahil sa sobrang pagod at jet lag. Mag-a-alas onse na ng magising siya.
Napatingin siya sa may couch. Wala na doon si Lacon at tanging unan at kumot na lang na maayos na nakatupi ang nandoon.
Bumangon siya saka dumiretso sa balkonahe. Tinanaw niya ang kabuuan ng lugar. She wasn't able to see it last night but right now, she is completely mesmerized. The place is serene. Hindi kasing lawak ng vineyard na pagaari niya but still, it has the same peaceful and breathtaking effect when you gaze at it. Yung tipong gugustuhin mong manatili na lamang dito at bumuo ng isang masayang pamilya.
She had that same feeling back home with Elijah. Everything was perfect. They were happy. Until he died and his greedy relatives came barging into her house... her haven... threatening her and her son over a fortune that wasn't even theirs. It was for Alleck. And she'll be damned if she'd let anyone of them snatch it away from her son.
Isang mahinang katok ang nagpatigil sa daloy ng isip niya.
"Dreena, hija, malapit ng mag-tanghalian. Bumaba ka na at panigurado akong kanina ka pa nagugutom. Hindi ka nag-almusal..."
Pagkarinig niyon ay agad kumalam ang sikmura niya. Mabilis siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon. Sandaling pinag-isipan muna niya ang sasabihin sa tagalog bago siya nagsalita. A bit pathetic yes, when she could speak six languages perfectly.
"Ahm, m-maliligo lang po ako at magbibihis mama... susunod na po ako sa ibaba."
Mukhang napansin naman ng ginang ang pagsusubok niyang magsalita ng diretsong tagalog kaya napangiti na lamang ito.
"O siya, aantayin ka namin sa ibaba. Si Alleck nga pala ay nandoon, kasama ni Nick na nagpipitas ng ubas para sa panghimagas mamaya. Mukhang nag-eenjoy naman ang anak ninyo."
Anak ninyo..
Her conscience is still bothering her about that thought. Ang isipin ng ibang tao na anak ng ibang lalaki si Alleck. What would Elijah think? He must be turning restlessly on his grave at the very thought!
She cleared her throat. "Mabuti po kung ganon. Susunod na lang po ako sa kanila."
"Sige, hihintayin ka namin sa ibaba. Maligo ka na." Tumalikod na ito at bumaba ng hagdan.
It only took her twenty minutes to bathe. Normaly ay inaabot siya ng thirty minutes but today she hurried it. Siguradong gutom na gutom na ang anak niya dahil ayon sa mama ni Nick ay mukhang kanina pa ito naglalaro sa labas. Hindi kasi ito kumakain hanggat hindi siya nakakasabay at palagi itong ganoon kapag alam nitong nandito siya at walang lakad.
Pagbukas niya ng closet, she was faced with another dilemma. Usually, she would wear day dresses dahil iyon naman talaga ang dapat niyang isuot base sa estado niya. But now, all she could see are pants and... itinaas niya ang isang damit at saka sinipat iyon.
"I think this is what you call a T-shirt...?"
She sighed. Alam naman niya kung bakit ganito halos ang lahat ng damit niya. She and her son have to maintain a low profile that's why. Hinawi niya isa-isa ang mga damit na naka-hang. Then she spotted something 'wearable'.
"This would do." Kinuha niya iyon saka isinuot.
Pagbaba niya, dumiretso siya sa dining area pero wala siyang nadatnan doon. Then she heard voices from the kitchen. Sinundan niya iyon at saka napatigil. There, she saw Cecil and Nick laughing like old time friends.
She scoffed at the scene in front of her before she could even stop herself.
Agad siyang umayos ng mapagtanto ang ginawa.

BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigne
RomanceHis life was saved by a comrade. He owed him his second life. As a token of gratitude, he promised him a favor--- a favor he couldn't refuse. Now after three long years of living a peaceful life outside the battle field, he's back to collect that...