Chapter forty six

16.5K 494 9
                                    

Kinabukasan, maaga silang umalis papunta sa De Vere Estate. James did not allow them to use their own car and insisted they use his car instead. That earned a raised brow from Derrick because knowing him, hindi ito sanay na nakikigamit.

At para nga hindi na umabot sa isang panibagong away ang dalawa, minabuti na lamang niyang pumasok na sa backseat ng sasakyan ni James. Sunod itong pumasok sa driver's seat. Derrick just stood there and continued burning holes on the tinted window, exactly where James's side is.

She sighed. Expect Derrick to be stubborn as a bloody brick wall.

She was about to suggest to James to just let their cousin drive his own car when the unexpected happened.

Derrick moved.

Umangat ang isang gilid ng labi ni James na agad ding nawala ng imbes na sa passenger seat umupo ang huli ay sa back seat ito mismo pumwesto.

"Lets go." Derrick instructed to James after he settled himself comfortably on my side.

James' smirk immediately turned into a scowl, obviously pissed dahil nagmukha itong driver nilang dalawa ni Derrick.

"Masusunod mga kamahalan." Sarkastikong sagot nito. Wala itong nagawa kundi ang magmaneho na lamang.

Sa buong biyahe, kinuntento na lamang niya ang sarili sa pamilyar na tanawin sa labas. Spring ngayon dahil buwan ng Mayo. Bahagya niyang ibinaba ang binatana ng kotse. Warm air and a bit of sunshine immediately hit her face. Bahagya siyang napangiti. Ipinikit niya ang mga mata at saka sinamyo ang mabining hangin. Wanting the relaxing air to remove the anxiety she's feeling inside.

Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng basagin ni Derrick ang katahimikan.

"Where is she?" Tanong nito kay James.

Nanatili siyang tahimik. Nakikinig.

"At my mansion, tucked away safely."

Hindi nakatakas sa paningin niya ang pinakawalan nitong ngisi pagkatapos nitong sagutin ang tanong na iyon. Umangat naman ang isang kilay ni Derrick. Mukhang maging ito ay nakita ang iginawi ng huli.

"Thomas..." He warned.

"What?" James said innocently.

"Don't do anything foolish."

James just raised one brow in that familiar Sinclair-ish way, "Nakita mo ba ako na may ginawang kakaiba? I was with Dreena the entire three days. I wouldn't be able to do anything if that's the case now, would I?" He reasoned. Exasperation was on his voice, but we know better.

"Stop playing innocent. We both know na isang tawag mo lang sa mga alipores mo ay magagawa mo na ang gusto mo." Derrick hissed.

"And that's where you're wrong, dear cousin dahil hindi ko na kailangan pang tawagan ang kahit na sino para lamang iutos iyang mga sinasabi mo."

At that, Derrick frowned. "What do you mean?"

"Nakalimutan mo na bang nakatira din sa De Vere estate ang kapatid ko? I mean to say, Elle will gladly do it in my stead. In fact, she will be extremely delighted to do the honour of guarding my prisoner in my absence."

Isang nakabibinging katahimikan ang pumailanlang. Si Derrick ang pumutol niyon.

"You told her."

It wasn't a question but a statement. Then the raging dam came along.

"Goddammit, Thomas! You know how violent Elle could get! Do you really want to put a criminal record on your sisters background? How can you be so foolish!"

Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon