"Gamitin niyo lang po ang palad niyo Miss Dreena, parang ganito oh." Turo ni Ana sa kanya.
Nandito sila ngayon sa bahay nila Ana at gumagawa ng bilo-bilo pang meryenda sa mga tauhan. Anihan ng mangga ngayon at ito ang pinakamalapit na bahay mula sa manggahan kaya dito na lamang nila napagpasyahang gumawa ng meryenda.
"Ganito?" Dahan dahan niyang iginalaw ang palad pabilog sa harina.
"Opo ganyan nga. Pero masyadong maliit. Dagdagan mo pa po ng harina Miss Dreena para maging ganito iyan kalaki." Sabi naman ng kaibigan ni Ana na si Myla sabay taas ng hawak nitong bilo bilo.
Tuwang tuwa ang mga ito habang pinagmamasdan siyang gumagawa ng bilo-bilo.
Si Ana ay kapatid ni Julio at apo naman ni Nanay Bining samantalang si Myla naman ay kasintahan ni Julio.
"Like this Ate Ana?" Masiglang sabi ni Alleck habang ipinapakita ang gawa nitong bilo bilo.
Napangiti siya habang tinititigan ang anak. May bahid na ng harina ang pisngi nito pero balewala iyon dito. Marahil tulad niya ay nasasanay na din ito sa ganitong simple ng pamumuhay. Iyong walang iniisip kung tama ba o mali ang ginagawa.
"Hm. Just like that baby Alleck. Perfect!" Ang masayang puri ni Ana na ikinasimangot naman ng anak niya.
"I'm not a baby anymore! I'm already six!"
"Baby ka pa din sa paningin ko. Ang cute cute mo kaya.." Ang nanggigigil na turan nito saka marahang kinurot ang pisngi ni Alleck na mas lalo namang ikinasimangot ng isa.
"Babies always cry and whine. I don't whine!"
"Pero cute ka pa din." Ulit ni Ana.
"Momma oh!" Sumbong ni Alleck sa kanya na ikinatawa lang niya. And he said he doesn't whine like a baby.
"Ana, Myla, pakitulungan ako dito sa kusina!" Sigaw ni Nanay Bining na nasa loob ng bahay.
Sa may dirty kitchen sila sa labas ng bahay gumagawa ng bilo bilo kaya kailangan pang sumigaw ni Nanay Bining para lang tawagin ang dalawang dalagita.
"Nandiyan na lola!" Balik sigaw naman ni Ana. "Babalik po kami pagkatapos tulungan si lola, Miss Dreena. Wait lang po ah."
Ngumiti siya sa mga ito. "Sige na, ako na'ng bahala dito."
"Ba-bye baby Alleck. Muah!"
"I'm not a baby anymore!" Ani Alleck na hinabol ang dalawang dalagita.
Iiling iling na lamang siya na hinarap ang ginagawang bilo-bilo. Mainit sa kusina at namumuo na ang pawis sa noo niya. She wiped it using her forearms which is a big no no for duchesses but she didn't care. No one's here to reprimand her anyway.
With a determined look on her face, she started perfecting her own bilo bilo. She was so into it that she didn't noticed the man leaning at the doorframe of the kitchen, watching her.
"What are you doing?"
Nalingunan niya si Nick sa may pintuan. His arms crossed while looking at her intently. He's wearing a blue v-neck shirt. And harapan niyon ay nakapaloob sa suot nitong maong. A surprised look passed his eyes when he took in her appearance. He looked like he's seeing her for the very first time in his life. Puno ng harina ang dalawang kamay niya habang namumula at pawisan ang mukha niya dahil sa init. At this moment, she doesn't look anywhere near being a duchess. Napangiwi siya sa sarili.
"Making bilo bilo." Tipid niyang sagot. "I volunteered to help." Dagdag niya na ikinataas ng isang kilay nito. "I'm trying to perfect it so it would taste good after it was cooked." Pasaring niya na ikinatawa nito.

BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigne
RomansaHis life was saved by a comrade. He owed him his second life. As a token of gratitude, he promised him a favor--- a favor he couldn't refuse. Now after three long years of living a peaceful life outside the battle field, he's back to collect that...