Prologue

28 2 0
                                    

Prologue

Sa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin upang turuan tayo ng leksyon at gawin tayong matatag para maging handa tayo sa mga pagsubok pang naka-abang sa atin.

-

Goodbye, MAU. Hello, NDU.

"Ano, Kass? Talaga bang lilipat ka na? Asar naman, oh. Wag nalang please? 'Di naman siguro sinadya yun ni Mr. Estocapio! Alam mo namang matanda na 'yun. Intindihin mo nalang. Sige na! Mahirap na kung wala ka, eh." Kulit sa akin ni Philip habang kumakain kami ng lunch.

Langyang bakla talaga ito. Fixed na 'yung desisyon kong lumipat ng paaralan, eh. Kasi naman iyong si Mr. Estocapio na principal namin, napaghahalataan ko nang pinag-iinitan niya ako. Isa kasi ang pamilya namin sa mga tanyag na pamilya sa unibersidad na pinapasukan ko. At may kumalat na tsismis na insecure daw ang kanyang pamilya sa pamilya namin sa 'di malamang kadahilanan. Pake ko naman, diba? Kung insecure siya sa kung ano man ang mayroon ang aking mga lolo't lola, wag niya akong damayin! Napamahal na ako sa unibersidad na ito ngunit nang nalaman ng mga magulang ko na iniinitan ako ng principal naming iyon, 'di maganda ang naging reaksyon nila.

"Lumipat ka na ng paaralan sa lalong madaling panahon, Kassandra. 'Di ko na gusto ang inaasta ng matandang Estocapio na iyan. 'Di ka na niya dapat dinadamay sa kung ano mang problema niya."

Siya kasi ang dahilan kung bakit ako natalo sa pageant ng aming paaralan 'nung nakaraang intramurals dahil anila'y dinala raw ni Mr. Estocapio ang mga score sheets sa isang pribadong kwarto at 'dun daw pinalitan at dinaya ang mga resulta ng ginawang paghuhurado sa aming pageant. Dalawa sa mga huradong iyon ay kakilala ng aking lola. At nung sinabi nang 'di man lang ako nakapasok sa top 4 ay laki ang pagtataka ng mga hurado at pagkatapos ay nag-init ang dugo nila at nagreklamo sila. Kinausap naman nila ang lola ko at ang sabi ay may luto raw talaga ang pageant. Ang nanalo sa pageant na iyon ay ang kanyang apo na si Elle Estocapio.

Binalewala ko na iyon kahit na masakit sa kaloob-looban. Nag-ensayo ako ng sobra para sa pageant na iyon pero dinamay lang iyon ni Mr. Estocapio sa mga kabalbalan na alam niya. Isa pa ay noong naglalakad ako sa corridor papuntang canteen nang sinapak niya ako ng malakas sa aking braso at dinuro-duro. Aniya'y lumabag daw ako ng school rule sapagkat may kulay daw di umano ang buhok ko. Na sa katunayan ay light brown naman talaga ang natural na kulay nito.

At ang huli ay noong exam week bago mag-intrams. Hindi niya ako pinahintulutang maka-exam sapagkat may kulang pa raw ako sa mga requirements ko. Bayad na naman ang tuition ko kaya nagtaka ako. Yun pala'y may kulang lang akong isang assignment sa TLE. Inexcuse naman ako nung teacher ko dahil sa nagkasakit ako 'nun, pero ani Mr. Estocapio ay dapat daw kumpletuhin ko muna iyon bago ako makapag-exam. Nagtaka ang mga kaklase ko dahil sila rin daw ay kulang kulang ang mga assignment ngunit pinahintulutan naman ng principal na iyon silang mag-exam.

"Pero pa, baka 'di niya lang naman po iyon sinadya-"

"Anong 'di sinadya? Tatlong beses ka niya dinaya, anak! Bilang ama 'di ko pahihintulutan iyon! Kakausapin ko ang Mr. Estocapio na iyon bukas." May matinding galit sa boses ni papa at umiigting din ang kanyang panga.

"Pa, wag na po!"

"Edi lumipat ka na ng paaralan sa sunod na school year. No buts, Kassandra." Napatahimik nalang ako sa sinabi ni papa. 'Di nalang ako umimik para hindi na lumaki ang gulo. Ayaw ko namang dumagdag sa problema ng mga magulang ko. Alam kong mag-aalala sila kapag pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa unibersidad kung nasaan si Mr. Estocapio.

Always Been You (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon