Chapter Sixteen
Buhay estudyante
Pagkatapos ng prom, namalagi lang ako sa bahay dahil pagod ako. Lalo na ang paa ko dahil 'di naman ako sanay magsuot ng mga heels na 'yan. 'Di naman gaanong mataas ang heels na sinuot ko ngunit napagod parin ako dahil 'di nga sanay.
'Di ko na iniisip ang nangyari nang gabi 'nung prom. Wala na akong pake. Bahala siya. What happens in prom, stays in prom.
Pagka-Lunes, nagsimula naman ang linggo ko ng ordinaryo. At dahil final grading na ngayon, pahirapan na ng proyekto ang binibigay ng mga guro namin. At sabay sabay pa ng deadline, ah! Hustisya naman, ho!
"Okay class for your final project, kailangan niyong gumawa ng short movie presentation. Na ang focus ay ang 10 commandments ng computer lab natin. In that way, makikita ko kung naiintindihan niyo ang rules and regulations ng subject at nitong computer lab natin." Ani ma'am Abbi na teacher namin sa Computer 3.
Ewan ko sa kanya kung bakit ganun ang proyekto namin. Pero siyempre, wala naman kaming magagawa dahil estudyante lang kami.
Buti nalang at by group ang project na ito.
Ang kagrupo ko naman sa proyektong ito ay sina Alaiza, Airys, Jacob, Anton, Margaux, Drey at marami pang iba. Hinati kasi ni ma'am ang klase namin sa tatlo kaya medyo marami kami. Labing anim kami sa aming grupo kaya 'di ko na iisa-isahin.
Nag-uusap kami ngayon ng mga kagrupo ko. Napagkasunduan ng grupo namin na sa bahay nina Drey kami gagawa ng video sa darating na Sabado.
Ginawan nina Airys at Alaiza ng script ang proyekto namin. Nakisali na rin ako sa pag gawa upang may maitulong naman ako.
"Ako na magdadala ng cam." Ani Alaiza.
"O, sige. Ako ang magdidirect." Sabi ni Airys.
"Kayo? Baka may gusto kayong itulong?" Ani Alaiza sa ibang mga kagrupo naming nagchichikahan lang. Lalo na sina Jacob at Anton na nagtatawanan lang. Hay, wala nang pinagbago sa magbestfriends na ito.
Pagkatapos naming nagplano ay nagring na ang bell ng school na hudyat na natapos na ang isang subject.
Pabalik kami ng classroom kasabay ko si Margaux nang sumabay sina Jacob at Anton sa amin sa paglalakad. Nakitsismis lang naman sila sa amin.
Pagkabalik namin sa classroom galing sa computer lab, naroon na ang English teacher naming si ma'am Jem. Nag-aabang sa amin sa teacher's table. Kaya nagsipuntahan na kaming lahat sa aming mga upuan.
Binati namin si ma'am ng good morning at sinabihan na kami ukol sa proyekto namin sa kanya.
"My project for this class is a TV commercial. I want you to make a very creative commercial. Wala dapat kayong pagkokopyahan. Also, your product should also be original." Ayos! Another thing to add to our projects that are piling up!
At ang masaklap pa, kasabay nito ang deadline sa project namin sa Computer! Nagreklamo nga kami ngunit 'di iyon pinaunlakan ni ma'am dahil sabi niya magkaibang subjects naman daw sila.
Mabuti ay kagrupo ko rin sa proyekto sa English ang mga kagrupo ko sa Computer. 'Yun nga lang ay mas kaunti ang group members nitong sa English dahil hinati kami ni ma'am sa lima.
So sampung members kada grupo naman ngayon. Kagrupo ko ulit sila Alaiza at Airys ngunit 'di ko na kagrupo sina Margaux at Anton.
Napagkasunduan naming isabay nalang sa Sabado iyong proyekto namin sa English sa pag gawa 'nung sa Computer para matapos namin kaagad 'yung dalawa sa isang araw.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Teen FictionSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...