Chapter Fourteen
Cheating
Ngayon na ang araw na magkikita na uli kami ni Marco ng kami lang dalawa. Nakakapanibago dahil matagal na mula 'nung lumabas kami ng kami lang. Ayaw kong isipin na date ito. Friendly date, it is.
Pagkagising ko ay naligo na ako, nagbihis at kumain. Suot ko ngayon ang aking itim na v neck shirt, faded skinny jeans at 'yung sapatos na binigay ni Marco. Gusto ko namang ipakita na naappreciate ko 'yung bigay niya kahit papaano.
Napag-usapan naming sa mall nalang kami magkikita. May papabilhin din kasi si mama sa akin kaya maaga akong pumunta. 10:30 ako tumungo sa mall para siguradong bukas na ito.
Matapos kong bumili ng pangkulay ng buhok sa Watson's, wala paring Marco na nagpapakita.
Ako:
Andito na ako sa mall ah. Text o tawag ka lang kung andito ka na rin.
Wala namang problema sa akin ang maghintay dahil gusto ko munang tumambay ng mag-isa sa coffee shop. Wala masyadong tao dito sa Starbucks kaya naisipan kong dito nalang. Nag-order ako ng Java Chip na Venti at pagkakuha ko ng order ko ay tumungo na ako sa labas para 'dun na maupo. Maya't maya'y naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.
"Kass, andito na ako. Saan ka?"
"Andito lang ako sa Starbucks."
"Oh sige." Saka binaba ko na ang tawag.
Ilang sandali lang ay sumulpot na ang nakaputing tshirt at black na skinny jeans na si Marco.
"Kanina ka pa?"
"Uhh, medyo."
"Excited kang makita ako, ano?" Sabi niya habang nakasmirk.
"'Di, ah! May inutos kasi si mama. Kaya ayun, maaga akong pumunta."
"Asus. Palusot pa 'to."
"Che! Kapal." Inirapan ko nalang siya saka sumipsip sa frappe na hawak ko.
"Akin na nga yang kamay mo."
"Huh? Bakit?"
"Basta. Akin na."
"Bakit nga?!"
"Basta!" Aniya saka hinila ang kanang kamay ko. Seriously?
Habang hawak niya ang kamay ko, may kinuha siya sa kanyang bulsa. Sinuot niya ito sa wrist ko at nilock.
Isa itong bracelet. Puro hearts ang disenyo nito at alternate na gold at silver ang kulay.
"Naku. Medyo malaki ata sa'yo. Pasensya, kamay ko kasi ang ginawa kong panukat diyan." Aniya habang sinusuri 'yung bracelet sa kamay ko.
"Para saan 'to?"
"Wala lang, naisip ko kasi tayong dalawa 'nung nakita ko 'yan sa MOA sa Manila. Kaya ayun, binili ko kaagad."
"Weh." Sabi ko at sinuri na rin ang bracelet sa aking wrist. In fairness, maganda ito. Parang babae ang pumili dahil pasado sa akin.
"Oo nga. Uy, suot mo rin pala 'yung sapatos." Sinilip niya ang Vans na kulay pink na suot ko.
"Oo. Salamat. Nakadalawa ka na, ah? Dami mo atang pera."
"'Di naman. Sinadya ko kasing pag-ipunan ang mga iyan. Para makabawi na rin sa'yo." Aniya at binaling ang tingin sa akin.
"'Di mo naman kailangang gawin ito."
"Eh gusto ko, eh." Sagot niya kaya nagkibit balikat nalang ako.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Teen FictionSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...