Chapter Eight
Bakit ka bumalik?
Ano pang ginagawa ni Kenneth dito? Ano pang kailangan niya sa akin?
Bumaba ako sa double deck na kama ni Mariane. Ako nalang pala ang natitira dito sa kwarto. Napahaba ata ang tulog ko marahil dahil ito sa alcohol. Hindi sanay ang katawan ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin ang mga kaibigan kong nasa sala at tinitignan ako na parang nakikisimpatya sila sa akin. Pumunta ako ng garahe at ayun na nga, nakita kong nakasandal si Kenneth sa motor na nakatambay lang sa garahe nina Mariane. Naka-maong pants siya, plain black na shirt at vans na sapatos. Mukhang siya lang mag-isang pumunta dito, ah.
"Bakit ka nandito?" Bungad ko sa kanya habang lumalabas ako sa pintuan at umupo sa mga upuan 'dun sa terrace.
"Bawal?" Sarkastiko niyang sabi. Inirapan ko lang siya at tumitig ako sa kawalan.
"'Di mo na ba ako mabibigyan ng pagkakataon, Kassandra? Last na." Sarkastiko akong tumawa saka humarap sa kanya.
"Tangina mo rin, no? Dalawang beses mo ako niloko, Kenneth. Two freaking times! Kapal naman ng mukha mo para humingi pa ng chance!"
"'Di ko naman sila minahal, eh! Ikaw naman 'yung mahal ko!"
"That's bullshit! Gasgas na 'yang linyang yan. Sabagay, ikaw naman yung namilit na maging tayo in the first place. Kaya kaya mo akong i-drop ng basta ganun nalang!"
"Hindi sa ganun-" Pinutol ko siya. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya. Nakaupo parin siya sa motor.
"Kung hindi ganun, ano? 'Di ako bobo! At mas lalong 'di ako laruan na pag nagsawa ka na, kakalimutan mo nalang at papalitan!" Sabi ko saka naglakad ng padabog papasok ng bahay.
"Okay ka lang, Kass?" Tanong ni Seth.
Tumango lang ako saka nilagok 'yung inumin na hawak niya.
I'm done with these bullshits. Oo, inaamin ko na 'di naman ako naging attached masyado kay Kenneth. Oo, minahal ko siya pero bilang kaibigan lang. Nothing more, nothing less. Pero the fact na kaya niyang manloko ng tao, the fact na nanggagago siya, 'yun ang 'di ko halos makaya. Galit ako sa mga tulad niya. Wala silang pinagkaiba ng ex kong gago rin. I never wanna fall in love again.
Pagkatapos ng inuman session ng barkada ay nag-aya si Seth na 'dun naman tumambay sa kanila. Isang sakayan lang mula kina Mariane ang kinaroroonan ng bahay nina Seth kaya 'di mahirap na makapunta 'dun. 'Yun nga lang ay kailangan pa naming maglakad mula sa bahay nina Mariane patungo sa highway para may mahanap na masasakyan.
'Di pa umaalis si Kenneth pero 'di ko siya pinapansin. Parang hangin lang ang presensya niya para sa akin.
"Uy, swerte! May tricycle!" Ani Mariane saka pinara ito at pinasakay na ang ibang mga kaibigan namin ngunit 'di kami magkasya dahil marami-rami kami.
May dumaan na pampasaherong single na motor at pinara ito ni Mariane.
"Oh, sinong sasakay dito?" Tanong ni Mariane.
Kami nalanng ni Seth ang natitirang nakatayo sa labas ng tricycle at silang lahat ay nakasakay na roon kaya obvious na ang sagot.
Nauna akong sumakay sa motor saka sumakay din si Seth sa likod ko.
Nauuna ang motor na sinasakyan namin ni Seth ngayon dahil si Seth naman ang kabisado ang daan patungo sa bahay nila. At kailangan naming mauna dahil siya naman ang magbubukas ng gate nila. Kabisado naman din ni Mariane ang daan papunta 'dun kaya walang problema kung mahuli sila.
Pagkababa namin ng motor nang nakarating kami sa bahay nina Seth ay binayaran niya na ang driver. Umalok ako ng pera ngunit 'di niya ito tinanggap. Wala pa 'yung tricycle na sinakyan ng iba dahil medyo mabagal ang patakbo nito dahil marami-rami ang laman. Nang naka-alis na ang single na motor na sinakyan namin, nabigla ako nang nilagay niya ang kanyang kamay sa aking buhok saka inayos ito. Natulala ako habang ginagawa niya ito. Nakangisi siya kaya lumalabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Teen FictionSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...