Chapter Fifteen
Insulto
Nagalit nga pala si mama dahil may nagsabi daw sa kanyang may nakakita raw sa aming magkasama ni Marco sa mall. Nalaman niyang nagbo-boyfriend ako at nagalit siya kaya eto, grounded ako. Kinuha niya ang phone ko.
Pangatlong araw na ngayon ng Grandfair. Nakatambay lang kami dito ngayon sa Snack Bar namin. Medyo mahina ang benta dahil maaga pa naman. Kailangan din naming maaga pumunta dahil may attendance. Siyempre, studyante. Wala kaming magawa.
Nagpatuloy kami sa aming routine. Nagsisikap para maging mabenta ang aming Bar. Minsan ay nakikinood din kami ng movie sa mga movie houses ng mga sophomores. Nakikikain din kami sa barbeque-han ng mga seniors.
Naghapon na at nakatambay uli kami dito sa puwesto namin nang dumating si Anton na nakabusangot.
"Oh, ano problema?" Tanong ko. Kami lang dalawa ang magkatabi ngayon dahil si Margaux ay naglilibot 'nung banner kasama 'yung ibang mga kaklase namin.
"Break na kami ni Clarisse. Nalaman niya na kami ni Angeline. Nakipagbreak din si Angeline sa akin."
Ayan kasi! 'Di nakukuntento. Ayan, wala na tuloy natira sa kanya ngayon.
Batid kong parang iiyak na siya kaya hinihimas himas ko nalang ang likod niya.
Kaya wala na talaga akong tiwala sa mga lalake. 'Tong mga kaibigan kong mga lalake talaga ang mga dahilan, eh. Witness na witness ko 'yung panloloko ni Anton kay Clarisse.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ko parin ang likod niya dahil lumuluha na siya. Biglang dumating si Margaux at tinanong kung anong nangyari. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kaya ngayon pareho na naming kino-comfort si Anton.
"Magmove-on. Paano ba?" Emote na tanong niya.
"Pero love mo pa si Clarisse?" Tanong ko at tumango lang siya bilang sagot.
"Edi humingi ka ng chance!" Ani Margaux.
"Baka 'di niya na ako tanggapin."
"Tingin ko love ka parin naman 'nun." Sabi ko.
"Pero kung gusto mong magmove on, may maa-advice naman kami sa iyo." Ani Margaux.
Napatingin si Anton sa amin ni Margaux.
"Wag na wag mong babanggitin ang pangalan niya. Isipin mo badword 'yung pangalan niya para 'di mo mabanggit."
"Keep yourself busy. Abalahin mo 'yung sarili mo sa sports or whatsoever para madistract ka."
"Idelete mo 'yung number niya sa phone mo. Kung memoryado mo naman 'yung number niya, problema mo na 'yun."
"Never block her on facebook or in any other social media accounts. 'Wag mo din siya iiwasan. Para masanay kang nakikita mo siya. Kasi pag iiwasan mo siya, tapos bigla mo siyang makita, edi inlove ka uli?"
"And lastly, ibalik mo lahat ng binigay niya sa iyo. Or pwedeng itapon o sunugin mo na."
"'Wag na wag kang manggagamit ng ibang tao para lang makamove on ka. 'Yan ang major rule."
Tila nalula si Anton sa mga advice namin ni Margaux dahil natahimik lang siya at natulala sa kawalan.
"Oh ano, kaya mo ba, Anton?" Tanong ko.
"'Di ko alam. Kakayanin." Aniya at iyon na ang pinakahuling sinabi niya.
Hanggang sa huling araw ng Grandfair ay matamlay lang si Anton. Malaki ang impact ni Clarisse sa kanya. I can see that.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Teen FictionSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...