Chapter Three
Hang out ulit
Wala pang isang buwan ang nangyaring hiwalayan namin ni Marco. Bumibigat lang ang aking dibdib tuwing naaalala ko iyon. Tuwing naiisip ko na nagawa niyang mangaliwa. Well, ganun naman talaga ang pagkakakilala ko sa kanya noon pa. Alam kong playboy siya pero pinatulan ko parin.
Bakit ba tayong mga babae mas pumapatol sa mas complicated. May mga dumarating na deserving pero pinipili parin natin yung taong alam nating sasaktan tayo pero nagpapakamartyr tayo para sa kanila. Hindi ko naman nilalahat. Pero iyon kasi ang napapansin ko sa karamihan ng mga na-eencounter ko. Pati sa mga kaibigan ko ay batid ko rin iyon.
Mahal ko parin naman si Marco. 'Di naman ganun kadaling kalimutan iyon. Siya ang first love at first boyfriend ko. At pagkatapos ng marami-raming buwan na rin ay iniwan niya ako ng ganun nalang. Ng hindi man lang sinasabi sa akin kung ano ang dahilan kung bakit niya ako bigla nalang iniwanan.
Ako:
Marco, please. Wag mo akong iwan. Di ko kaya. Balikan mo na ako please.
Masyado pa akong bata para maging tanga, alam ko. Marami pa akong dapat pagka-abalahan bukod sa paghahabol na parang aso sa isang taong kinalimutan at binalewala ang presensya ko.
Marco:
Tangina, Kassandra! Tantanan mo nga ako! Di na kita mahal. Di mo ba maintindihan yun?
Marami pa akong masasakit na salitang natanggap galing kay Marco kaya 'di ko alintana iyon. Wala lang iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayong wala na siya sa akin. Nasanay ako sa presensya niya. Nasanay ako na akin siya. At 'di ko ma-atimang isipin na may iba nang nagmamay-ari ang puso niya.
Sa mga panahong ito, wala na akong ibang sinandigan kundi ang sarili ko lamang. Ayaw kong maging pabigat sa ibang tao. Ayaw kong makita nilang nanghihina ako.
Kaya naman ay pilit kong binabaling ang atensyon ko sa ibang bagay.
Katext ko ngayon si Oliver at pinag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa gala namin bukas.
Oliver:
Tuloy tayo bukas, ah?
Ako:
Oo naman! Libre eh. Basta isasama ko si ate Sharah, okay?
Oliver:
Walang problema. Marami namang pera yung si Jay eh. Maraming nakupit. Hahahaha!
Natuwa naman ako sa pagpapalitan namin ng mensahe ni Oliver nang biglang may nagpop out na chatbox sa aking facebook. Gamit ko ang laptop ko dahil nagda-download ako ng music.
Kenneth Joshua Prado: Hi! :)
Hmm. Ano naman ang kailangan nito? Magkikita naman kami bukas, ah.
Kassandra Therese Montez: Hello :)
Kenneth Joshua Prado: Ba't gising ka pa? Late na ah. May gala pa tayo bukas diba?
Nagscroll up ako at nakita kong matagal niya na pala akong chinachat pero 'di ko lang siya pinapansin. Sorry! Ngayon ko lang siya nareplyan dahil kilala ko na rin naman siya.

BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Teen FictionSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...