Chapter Eighteen

8 0 0
                                    

Chapter Eighteen

Unexpected

Jusko. What did I just hear? Love na ako ni Ton? Paano? All I did was to be a good friend to him. At 'di ko maikakaila na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Hanggang 'dun lang ang kaya kong ioffer.

Nakalagay parin 'yung ulo ko sa braso ko. Parang ayaw ko nang tanggalin ito dito. Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa.

"Yieeee! Naks! Umiibig!" Ani Franco at Jackson.

"Tunay." Rinig kong sabi ni Anton.

Oh, Lord. What do I do?

Nangangalay na rin ako sa posisyon kong ito. Nagca-cramps na nga 'yung braso ko.

Well, 'di naman nila alam na narinig ko 'yung usapan nila, diba? So wala akong dapat ikaworry.

Act normal, Kassandra.

Ibinangon ko ang aking ulo at nagkunwari akong bagong gising.

"Uy, good morning!" Ani Franco. Inirapan ko lang siya. Tinanggal ko na rin ang earphones kanina pang naasaksak sa tenga ko na walang music. Pinapaypayan parin ako ni Anton.

"Oh, 'di pa sila tapos?" Tanong ko. Trying to act normal.

"'Di pa. Pero 'di parin nangingitim 'yang si Mairee." Ani Anton. Tinignan ko si Mairee na enjoy na enjoy parin sa pagligo. Oo nga. 'Di parin siya nangingitim. Para parin siyang lumaklak ng sampung bote ng gluta.

"Gusto mo 'dun tayo? Ang ingay kasi ni Franco." Ani Anton sabay turo 'dun sa kaparehong lugar na tinuro ni Jacob kanina na puntahan daw namin. Ano bang meron sa lugar na 'yon at gusto nila parehong pumunta?

"'Di na. Okay naman dito." Sagot ko.

"Sige na, Kass." 'Di ko na siya sinagot saka tinap ko nalang 'yung ulo niya.

Tumayo ako at naghanap ng pagkain. Konti lang kasi 'yung kinain ko kanina at ngayon ay nagugutom na ako. Dumampot ako ng isang junkfood na nasa plastic.

Kinuhit ako ni Anton saka nakita ko ang isang basong may laman na alcohol. It's beer, I think. Kanina pa pala silang umiinom.

"Gusto mo?" Aniya. Umiling lang ako. I don't drink and I never liked drinking anyway.

"Sige na. Konti lang." Pag-aalok niya ulit. Ang kulit talaga nitong si Anton.

"Ayoko talaga. Iyo na-" napatigil ako ng may napansin ako sa inuming hawak niya, "Ano 'yan? 'Bat may itim?"

Natawa siya dahil siguro napansin ko.

"Abo ba 'yan ng sigarilyo?" Tinuon ko ang atensyon ko kay Anton.

"Oo." Aniya saka natawa siya ulit. Ano bang nakakatawa?

"Bakit niyo nilagyan niyan?"

"Mas madali kasing malasing kapag may ganun." Paliwanag ni Anton.

May plano siyang lasingin ako? What?

'Di ko nalang iyon pinansin saka tinuon ko nalang ang aking atensyon sa lasing na kaklase naming si Wyn. Sa sobrang lasing niya nakatulog siya habang hawak hawak 'yung inumin niya. Aba, ang hirap kaya niyan!

"Hahahahaha! Picturan niyo! Hahahahaha" Anang Jacob. Picturan naman ni Margaux at Mitchell si Wyn. Nakipose pa sina Chantelle at Jacob sa kanya. Kawawang Wyn. Napagtripan tuloy. Hahaha!

Nang bumalik na ang girls galing sa pagbihis, napansin kong nakajersey si Mairee. 'Di hamak na sobrang laki sa kanya 'yung jersey kaya malamang hiniram niya lang ito. O hiningi.

Always Been You (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon