Chapter Five

14 1 0
                                    

Chapter Five

His dad


'Di ako makapaniwalang napasagot ako ni Kenneth sa pamamagitan ng pamimilit niya sa akin. Seriously? Si Marco nga ay naging bestfriend ko muna ng ilang buwan bago naging kami. Pagkatapos itong si Kenneth, wala pang isang buwan ay napasagot na ako. Pero kasi pinilit niya ako.

'Di ko naman nafefeel na kami na ni Kenneth o taken na ako dahil wala naman akong ibang maramdaman para sa kanya kundi ang pagiging kaibigan lang. Nakakabigla kasi lahat. Ang bilis ng mga pangyayari.

Sinabi ko kay ate Sharah kaagad ang nangyaring pamimilit ni Kenneth sa akin. Ayaw ko namang magtago sa kanya. Malalaman at malalaman niya naman talaga ito kaya maigi nang sabihin ko ng maaga.

"Uhm, ate Sha?"

"Hmm?" Sagot niya habang naglalakad kami sa corridor sa school. Kakatapos lang ng practice namin sa banda.

"May sasabihin ako. 'Wag kang magagalit, ah?"

"Ano 'yun?"

"Uhm. K-kasi, kami na ni Kenneth."

"WHAT?!" Eto na. Brace yourself, Kassandra. Handa na ako sa mga masasamang salita na maaaring lalabas sa bibig ni ate Sha gaya ng traydor, sulutera, o kung ano pa man. Pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"I'm so happy for you both!"

"Huh? 'Di ka galit?"

Humalakhak siya saka hinawakan ako sa balikat. "Baliw 'to! Bakit naman ako magagalit? Alam ko naman na ikaw 'yung gusto niya, eh. Kahit sino naman siguro mahahalata 'yun. 'Di naman ako nag-eexpect na gusto niya rin ako. Tsaka isa pa crush ko lang naman siya pag naglalaro siya ng basketball. 'Yun lang." Nagkibit balikat siya atsaka nginitian ako.

Akala ko talaga magagalit siya. Kasi naman kapag tumitili siya habang pinapanood si Kenneth Prado, jersey number 21, ay halos mamatay na siya sa kilig! Pagkatapos nga nung laro nila sa PSBEA halos mapaos siya sa kakasigaw.

Naglalakad kami ni ate Sha sa mall nang nakatanggap ako ng text galing kay Kenneth.


Kenneth:

Birthday ng kapatid ko sa November 12. Punta ka, please?


'Tong lalaking 'to. Feeling ko ginu-goodtime lang ako nito. Papupuntahin niya ako sa bahay nila? 'Di ba nakakahiya? Sabagay, naging kaibigan ko naman siya at wala naman siyang ginawang mali sa akin, maliban sa pamimilit sa akin sa pagsagot sa kanya.

"Ate Sha, look." Pinakita ko kay ate Sha ang text ni Kenneth.

"Ano, punta ka?"

"Awkward kung ako lang! Hello? Bahay kaya nila 'yun!"

"Edi tanungin mo kung pwede akong sumama!"


Ako:

Pwede kong isama si ate Sha?


Agad naman siyang nagreply.


Kenneth:

Of course. Andito rin sila Oliver at Jay. 


Nang dahil 'dun ay naging panatag ang loob kong pumunta. 'Dun na din kami makikidinner para wala nang gastos. Nagpaalam ako kina mama sa text na may pupuntahan lang akong birthday.

Always Been You (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon