Chapter Nine

26 1 4
                                    

Chapter Nine

My friend's boyfriend

Nagwawala ang kung ano sa tiyan ko dahil sa text na natanggap ko kay Marco. Kaya napagtanto kong malakas parin ang epekto niya sa akin.

Marco:

Kamusta ka, Kass?

Ako:

Eto, ayos lang naman. Ikaw?

Marco:

Malungkot.

Ako:

Bakit naman?

Marco:

Kakahiwalay lang namin ni Marcela. Tsaka ayaw ko dito sa Manila.

Oo, alam kong hiwalay na kayo, Marco. Kaya nga nagdiriwang ang puso ko ngayon.

Ako:

Ah, sorry about that.

Marco:

It's okay. Sa iyo nga dapat ako magsorry. Naging gago ako at sinaktan lang kita. Kung ikaw pa sana yung girlfriend ko, andyan pa sana ako at 'di ako nalipat dito. Masaya pa sana ako. :(

It's too late to realize that, Marco.

Simula 'nung text niyang 'yun ay madalas na kaming nako-communicate ni Marco. Palagi na kaming nagchachat at nagtetext. Tila bumabalik na ang dating samahan namin. Oo, may feelings parin ako sa kanya pero 'di ko alam kung kaya ko bang magcommit sa kanya ulit.

"Sino 'yang katext mo?" Ani Jacob sabay sulyap sa phone ko. Inilayo ko naman ito sa kanya kaya sumimangot siya.

"Si Marco."

"Kayo na ulit?"

"'Di, ah!"

Si Jacob Alec Peñaloza ay boyfriend ni Rejane. Close ko na rin ito dahil sa FC ito sa akin. Close din naman ako kay Anton ngunit mas close naman ako dito kay Jacob. Mag best friends sina Anton at Jacob.

Nagkaklase kami ngayon sa Statistics nang biglang umupo si Anton sa tabi ko dahil absent ang seatmate kong si Jackson.

"Hi, Kass." Aniya saka hinarap ako.

"Hi, Ton."

"Boring, no?"

"Ha? 'Di naman. Magaling naman magturo si sir Paul."

Kinulit kulit niya lang ako hanggang sa matapos ang Statistics. Dinidistract niya lang ako habang nagte-take down ako ng notes sa Stat. Grabe, ang kulit ni Anton!

"Shh!" Napalingon ako sa kanya habang nakalagay ang kanang hintuturo ko sa ang labi.

"Mr. Ravenna, go back to your proper seat." Ani sir Paul kay Anton. Sinunod niya naman ito. Natawa lang si Jacob na nasa kaliwang side ko. Halos magkatabi lang kami ni Jacob. Aisle lang sa gitna ang pagitan namin.

"Crush ka 'nun." Ani Jacob habang natatawa parin siya.

Si Jacob Alec Peñaloza ay moreno, matangkad, makapal ang kilay, may manipis na bigote sa ibabaw ng bibig at makapal ang buhok. May itsura itong si Jacob at patay na patay dito ang kaibigan kong si Rejane.

Si Anton Ravenna naman ay sobrang tangkad. Six footer ito. Moreno din, medyo makapal din ang kilay at medyo makapal ang labi. May itsura rin ito gaya ni Jacob.

Sina Jacob at Anton ay mag best friends. Simula nung bata pa ay palagi daw silang magkaklase. Halos 'di mapaghiwalay ang dalawa. Kapag 'di mo naman sila gaanong kakilala ay mapagkamalan mong magkapatid o 'di kaya'y kambal ang dalawa dahil halos magkamukha na sila sa dalas nilang pagsasama.

Always Been You (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon