Chapter Two
Kenneth Joshua Prado
Naging mas madali ang panahon nang natapos ang acquaintance party dahil nagpatuloy ang mga ordinaryong araw. Patuloy ang regular classes namin.
Patungo ako ngayon sa paaralan dahil may practice daw ang banda ngayon para sa papalapit na intramurals. Naka-ilang practice na rin kami at halos makumpleto na namin ang routine.
"FORMATION!!!" Sigaw ni kuya Neil na trainor namin ng banda.
Marami-rami rin kaming mga kasapi sa banda. Kung bibilangin ay aabot siguro kami ng higit kumulang seventy. Kasali na 'dun kaming mga majorettes at yung mga nasa drum and lyre. Si Glaika ang palagi kong kasama tuwing practice. Kasabay namin ngayon ang ilan sa aming mga kasama sa banda na pamilyar naman sa akin dahil schoolmates ko naman ang mga ito. Habang nagchichika sa water break ay katext ko si Marco. Sabado naman ngayon kaya wala siyang ginagawa.
Marco:
Anong ginagawa mo?Ako:
Eto, chill. Water break namin sa practice, eh.Marco:
Gusto mo puntahan kita dyan? Para gala tayo pagkatapos niyo.Ako:
Ha? Gagabihin kami, eh. Next time nalang.Nang sumapit ang intramurals ay 'di matanggal sa amin ang kaba. Suot ko ngayon ang aming costume na pinatahi. May kombinasyon ito ng kulay green, yellow at white.
"Huuuyyy! Kinakabahan ako!"
"Ako rin nga! Wag sana ako magkamali!"
"Wala sanang mahulugan ng baton sa atin!"
Rinig ko ang mga kabado kong kasama sa banda. Marami sa amin ang first time na sasalang sa pagperform at isa na ako 'dun. Pagkatapos ng parade ay nagperform kami sa covered area.
Habang nagpeperform ay tanaw ko ngayon si Marco. Nasa harap siya at ngiting ngiti sa akin. O sa katabi ko? Hindi ko alam. Ngumiti na din ako sa kanya.
"Uy, ang galing niyo ah! Magpeperform ba kayo sa paskuhan?" Tanong ni Laurice nang tumungo na ako sa mga kaklase ko at nakabihis na ngunit may kaunting make up pa sa mukha ko.
"Oo raw, eh. 'Dun daw sa plaza gaganapin yun. Marami daw kaming ibang schools na kalaban. Pati mga public schools ay kalaban namin."
Buong intramurals ay halos wala lang akong ginawa dahil wala naman akong event na sinalihan. Enjoy naman ako sa panonood ng iba't ibang sports. Lalo na sa basketball dahil naroroon si Marco.
"Foul, jersey number 2, Marco Mendoza!" Ani nung announcer.
"Ano ba naman yang boyfriend mo, Kass! Kanina pa yan foul ng foul ah. 'Di naman nakakashoot." Ani Laurice na katabi ko dito sa bleachers ng covered area.
"Hayaan mo na. 'Di kasi mahilig iyan sa sports, eh."
Madalang nalang kaming nagsasama nina Glaika. Ewan ko ba, matapos kasing may sabihin sa akin si Angeline ay nawalan na ako ng gana makisama sa kanila. At may napansin din akong 'di maganda sa barkada nila.
"Tingin mo, sino ang 'di bagay dito sa barkada natin?" Ani Nexine habang papalakad kami pabalik ng classroom.
"Ha? Meron ba? Hmm. Si Kisha?" Sagot ko kasi si Kisha lang ang medyo maliit talaga sa amin. 'Dun ako nagbase sa height dahil 'di ko alam kung anong isasagot sa weird na tanong nitong si Nexine.
"Mali! Si Thesa kaya! Siya yung 'di masyadong maganda. Hahaha!" Sagot niya na pinagtataka ko. Are they backstabbing their friend?
Nakaupo kami sa mga benches na malapit sa field ng kinausap ako ni Davenne at Ace. Si Ace ay lalaking feminine kaya mga babae ang kasama niya.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Teen FictionSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...