Chapter Seventeen
Love na nga ata
Sabado na ngayon at nakasakay na kami ng tricycle patungo sa bahay nina Margaux. Medyo malayo layo sa city ang kinaroroonan ng bahay nila kaya kinailangan naming pumakyaw ng masasakyan.
"Sure ka, Mar, na di tayo naliligaw? Feeling ko papunta na tayong Davao, eh!" Ani Jacob na parang kinakabahan. Duwag talaga.
Davao kasi yung susunod na city na medyo malapit sa city namin. Apat na oras ang byahe papunta 'dun kaya kapag medyo malayo na ang napupuntahan, kinoconclude na kaagad na papuntang Davao 'yon.
"Hindi, ah! Baliw!" Ani Margaux na natatawa sa sinabi ni Jacob.
Malayo na kasi talaga ito sa kabihasnan at kakaunti lang ang mga bahay na makikita mo.
Nang sa wakas ay nakarating na kami, nagsibabaan na kami sa tricycle at inayos ang mga sarili.
"Sakit ng pwet ko!" Ani Chantelle.
"Grabe, Mar, unlimited pulbo pala dito sa inyo!" Patawang sabi ni Gill dahil medyo maalikabok nga ang daan papunta rito.
Pumasok na kami sa gate nina Margaux. Simple lang din ang bahay nila dahil one storey lang din ito. Makikitang bagong gawa lang ito dahil bagong bago pa ang mga furniture sa loob ng bahay.
Pagpasok namin, nilatag na ng mga officers na sina Kent, Jelice, Chantelle at Gill ang mga gagamitin sa portfolio. Andito rin si Mikayla dahil gusto rin daw niyang tumulong.
At siyempre, ang mga makakapal na mukha na sina Jacob at Anton ay dumiretso sa ref ng wala man lang pasabi. Dinampot nila ang Krispy Kreme na nasa ref saka nilapag sa sala.
"Wow ha! Hiyang hiya naman ako sa inyo!" Pabirong sabi ni Margaux. Nagpeace sign lang din ang dalawang magbestfriends habang nilalantakan iyong mga donuts.
"Hoy, pahingi!" Sabi ko naman saka dumampot ng donut na may kitkat sa gitna. 'Di ako magpapatalo, no!
Kasama rin pala namin ngayon si Ram. Napag-alaman kong sila na pala nitong si Margaux 'nung twenty three lang.
Grabe. Parang dati lang nag-aasaran lang itong dalawang 'to tapos asar na asar naman 'tong si Mar kay Ram. Ngayon todo lampungan na sila. People change in an unexpected way talaga.
Wala naman dito ang mama ni Mar kaya ayos lang na mag ingay kami. What do you expect? 'Di naman talaga kami nagfocus sa pag gawa ng portfolio.
Nanood kami ng movies habang ginugupit namin ni Mar, Gill, Mikayla at Jelice ang mga pandesign. Nagtatype naman si Chantelle ng mga caption ng pictures sa laptop, si Kent ay dinidikit ang mga pinadevelop na pictures 'dun sa mga construction paper saka nilalagay sa clearbook.
Siyempre, ang dalawang kapre (Jacob at Anton), nanood lang ng movie at walang pake sa ginagawa namin. Si Ram nakayakap lang sa girlfriend na si Margaux. Edi kayo na may lovelife! Kainis naman 'to. Nakakabitter. Hahaha!
Nilabas nga pala ni Margaux ang gitara niya at ang kanyang DSLR. Kaya iyon din ang aming pinagtitripan habang gumagawa. Lalo na si Anton na napakahilig sa instruments. Lalo na sa gitara.
"...ayan! Natapos din!" Ani Kent pagkatapos idikit ang huling litrato sa last page ng clearbook. Iyon 'yung class picture namin.
Tamang tama, natapos na ring magluto ang kasambahay nina Mar saka kumain na kami ng pananghalian.
"Truth or dare tayo! Ano, game?" Ani Margaux pagkatapos naming kumain.
Palabas na sana ako ng pintuan ng may biglang kumiliti sa akin! Walang hiya!
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Teen FictionSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...