Chapter Ten
Uncomfortable
Ininda ko nalang ang weird na mga galaw ni Jacob. Siguro ganun lang talaga siya. Malapit sa mga babae. Napapansin ko naman sa school na marami nga siyang mga kaibigan na babae. Siguro ganun din siya sa kanila. Nanibago lang siguro ako dahil hindi ako sanay. 'Di naman ganun ka-touchy ang mga kaibigan kong lalaki noon sa MAU. Nangyayakap naman sina Oliver at Jay ngunit 'di ganun katagal.
Alam kong mahal ni Jacob ang kaibigan ko kaya 'di ko na inisip ang mga iyon. Ayaw ko ring bahiran ng malisya ang pagiging friendly ni Jacob.
Jacob:
Thank you sa hug kanina. Grabe. Di ako makaget-over. Parang heaven!
Ako:
Haha! Nakakaramdam naman talaga tayo ng comfort pag may yumayakap sa atin. I'm sure mas heaven pa 'dun ang hug ng girlfriend mo. Kaya alagaan mo yun ah! :)
Kapag nagtitext siya sa akin, palagi kong binabanggit ang girlfriend niya. Para 'di niya iyon makaligtaan.
Nang sumunod na araw ay naging ordinaryo lang.
"Sir, CR lang po ako." Sabi ko sa teacher namin sa Chemistry. Iinom na din siguro ako ng tubig.
Pumasok ako sa CR na kahilera ng mga classroom ng mga Seniors dahil 'dun ang pinakamalapit na CR sa room namin. Nasa second floor ang room namin at nasa baba lang ito. Pagpasok ko sa CR ay nakita ko si Clarisse 'dun. Ang girlfriend ni Anton. Nakaharap siya sa salamin at nag-aayos ng ribbon sa buhok niya.
Nag-eye to eye kami kaya nginitian ko siya. Ngumiti naman siya pabalik.
Maganda si Clarisse. Maraming nagkakagusto dito. Maputi siya, mahaba at straight ang buhok. Chubby ang cheeks, may braces, baby face, at maliit.
"Start na ba tayo pratice sa band?" Pagmumula niya ng papasok na ako ng cubicle kaya natigilan ako. Bihira lang kaming magkausap pero magkaibigan naman kami.
"Ewan ko nga, eh. Wala pa namang sinasabi si ma'am." Sagot ko sa kanya saka tuluyan ng pumasok sa cubicle.
"Sige, text mo lang ako, ah. Or kita nalang tayo sa club meeting. Bye!" Binigay niya ang number niya noong nakaraang meeting dahil nagbigayan naman kaming mga majorettes ng mga number sa isa't isa 'nun.
"Sige. Bye!" Sigaw ko pabalik sa kanya kahit 'di ko naman siya nakikita.
Pagkatapos kong nagCR ay hinarap ko ang salamin at inayos ng bahagya ang buhok ko saka umalis na. Aakyat na sana ako pabalik sa classroom nang nakaramdam ako ng uhaw kaya iinom muna ako sa fountain. Ayaw ko itong fountain na malapit sa mga rooms ng Seniors dahil mapanghi dito kaya nakakadiring uminom kaya naisip kong 'dun nalang uminom sa fountain sa harap ng Guidance.
Habang naglalakad ay minamasid ko lang ang kabuuan ng school. Tahimik dahil nasa kani kanilang silid ang mga studyante. Tanaw ko na ang fountain at nakitang may tatlong taong nakapila 'dun. Isang umiinom na babae at dalawang kasunod na mga lalaki.
Nang nakalapit na ako sa fountain ay pumila ako. Ikatlo na ako ngayon dahil umalis na ang babaeng umiinom kanina.
"Uy, Kass!" Si Joaquin pala itong sinusundan ko sa linya. Tinanguan ko lang siya.
"Uuwi si Marco ngayong December." Yes, I know. Nagtetext kami at siyempre, updated ako sa kanya. Sa JRU siya nag-aaral sa manila. Bumalik siya ng second year kaya ahead na ako ng one year sa kanya.
Itong si Joaquin ay naging kaklase ni Marco nung second year.
"Oo nga daw, eh." Sagot ko sa kanya pero 'di siya nakasagot kaagad dahil siya na ang iinom sa fountain. Hinintay ko siyang matapos kaya uminom ako kaagad 'nung natapos siya. Nakatayo lang siya sa gilid ko at tila hinihintay niya ako.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Novela JuvenilSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...