Chapter Twelve

22 1 0
                                    

Chapter Twelve

Spongebob


Gabi bago ang kumpetisyon ay abala kami sa pag gawa ng props sa school. Dinisenyohan din namin ang aming mga uniform pati na rin ang mga baton. Late na rin nang natapos kami. Buti nalang ay sinundo na ako ni mama.

Sumapit na ang araw ng kumpetisyon. As usual, nilagyan ng make-up ang aming mga mukha at tinali ang aming mga buhok. Nilagyan din ito ng headdress. Tumungo na kami sa plaza kung saan gaganapin ang Paskuhan.

'Di mawawala ang kaba at pressure dahil kitang kita namin na pursigido ding maagaw ng ibang mga schools ang trono namin bilang champion ngunit lalaban parin kami. Ipaglalaban parin namin ang pride ng NDU.

Nang nakarating sa gitna, sa harap ng mga judges, agad kaming tumungo sa aming posisyon para sa first formation. Habang nagpe-perform ay ngiti kami ng ngiti ngunit halos nanginginig na ang aking labi sa sobrang kaba.

Sa awa ng Diyos ay nagawa namin ng maayos ang aming performance. Dinig na dinig ang nakakabinging hiyawan at palakpakan ng audience. Kitang kita din sa mukha ng trainor at facilitator ng aming club ang pagkaproud sa amin.

Nagpatuloy at mas lalong bumakas sa kanilang mukha ang saya nang nalaman naming kami uli ang champion sa Paskuhan Drum and Lyre Competition ngayong taon!

Proud kaming bumalik sa school kahit gabi na at walang tao dahil 'dun kami pinahandaan ng faculty. Pinagluto nila kami. 'Dun kami naghapunan. Pagkatapos kumain ay nagpasundo na ako kay mama. Proud na proud ang mga magulang ko sa akin dahil mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanila nang nakauwi ako ng bahay.

"Congratulations, nak! Ang galing naman! Second time niyo na ito diba?" Tanong ni papa.

"Opo." Sagot ko ng nakangiti.

Totoo talagang kapag pinaghirapan mo, magiging worth it ito.

Simple lang ang pamilya ko. 'Di kami mayaman pero nakakaya naman naming mabusog araw araw sa pagkain. Sa awa ng Diyos, 'di naman kami nagugutuman at may matitinong trabaho ang aking mga magulang. Only daughter ako kaya 'di maiwasan ang maging over protective sila sa akin.

Nalaman kong may nilalandi si Marco 'dun sa Manila. Well, 'di naman maiiwasan iyon dahil gawain niya 'yun, eh. Tsaka single naman siya. Kung siya pwedeng magkagusto sa iba, mas lalo naman ako.

"Ano ba naman yan, Kass. Lahat kami taken na. Ikaw nalang ata ang single ngayon, eh!" Ani Mikayla habang nakikipaglampungan sa boyfriend niya dito sa classroom.

"Sus, problema lang dala nyan." Sagot ko ng may tonong bitter. Bawal PDA dito sa school guys. Pwede ba.

"Kahit crush wala?" Sa tanong na iyon ni Mika ko narealize na oo nga ano, wala akong crush. Natawa nalang ako sa aking sarili.

"Siyempre, meron." I lied. I can't believe na nakuntento akong si Marco lang ang laman ng puso ko. Dumating si Kenneth sa buhay ko pero 'di ko maintindihan kung bakit never ako nainlove sa kanya. 'Di rin ako nagkaroon ng crush simula nung naging kami ni Marco hanggang ngayon. I never thought this was possible!

Sa totoo lang, kung kaya ko lang, matagal na akong nag move on dito kay Marco. Ewan ko. Stuck ako masyado sa kanya. Pero siya, kabaliktaran ko. Ilang babae nang dumaan sa kanya kahit andito pa ako. Kahit mahal ko pa siya. Damn it. Ang unfair!

Patuloy na nangungulit ni Joaquin ukol sa pagsabay naming puntahan si Marco sa bahay nila pagkatapos ng Christmas Party namin.

Tuwing dumadaan ako sa silid nila ay ganito ang palaging linya niya:

"Kass! Sabay tayo ha!" Habang nakatambay siya sa pintuan nila.

Kung minsan kapag break at lalabas kami nina Margaux ay makakasalubong ko siya at ngingitian niya ako.

Always Been You (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon