Chapter Seven
First time
Tama ba 'yung ganun? 'Yung pipilitin mo ang isang tao para makuha mo ang gusto mo? Kasi ganun si Kenneth. Nakakainis. Wala akong magawa.
"Shit. Tumayo ka na nga dyan, Kenneth!" Hinila ko ang braso niya habang nakaluhod siya at nakatingin sa akin. Rinig ko parin ang paghiyaw 'nung mga tao sa basketball court na kinaroroonan nila kanina.
"Patawarin mo muna ako, Kassandra."
"Oo na! Oo na! Tumayo ka na dyan! Nakakahiya!" Sabi ko sabay lakad sa direksyon na pinuntahan ng mga kaibigan namin. Nakita ko naman sa mukha niya ang saya. Shit. You won again, Kenneth.
Sabay kaming naglalakad pero wala sa amin ang nagsasalita. Tinuturo niya lang kung saan kami liliko dahil 'di ko naman kabisado ang daan papunta sa bahay nina Seth at 'di na rin namin tanaw kahit saan ang mga kaibigan namin. Siguro ay nakarating na sila kina Seth.
Pagkadating namin sa tapat ng bahay ay halata nang maraming tao 'dun dahil sa ingay na maririnig kahit na nasa labas ka ng bahay.
Subdivision itong kinaroroonan ng bahay nina Seth. maganda naman ang bahay, 'di gaanong malaki pero mahahalata mong may kaya sa buhay ang may-ari ng bahay.
Pagpasok namin ay tumambad sa amin ang sasakyan nina Seth at ang aso nila. Tinuro ni Keneth sa akin ang daan papunta sa loob at dumiretso na ako 'dun ng walang sabi sabi. Naiirita parin ako sa kanya. Gusto kong tantanan niyan na ako pero 'di ko alam kung paano. Alam kong kahit na anong gawin ko ay maghahabol at magpupumilit parin siya.
"Oh, andito na pala ang love birds! Este angry birds!" Patawang sabi ni Jay nang nakita niya akong papasok ng bahay ng nakasimangot. Tinanguan ko lang sila at umupo ako sa sala. Nasa dining area sila at naghahapunan.
"Kassandra! Kain tayo!" Ani Seth habang kinakawayan ako. Naka t-shirt siya at naka jersey shorts na pambasketball. Tingin ko'y kasali siya sa laro kanina 'di ko lang napansin dahil marahil nasa benches lang siya 'nung nakarating kami at natapos na siyang maglaro.
Magkatabing nakaupo naman sina Mariane at Jay, si ate Sharah naman at ang manliligaw niyang bago na si Joe ang magkatabi. Tapos si Oliver at RJ ay nag-uusap usap ng nakatayo habang hawak nila sa mga kamay nila ang mga plato nila at kumakain.
"'Di ka ba kakain?" Ani Kenneth pero inirapan ko lang siya. Kapal ng mukha.
"Kain ka." Nabigla ako nang hatiran ako ni Seth ng pagkain. May lechon manok, kanin at leche flan. May dala pa siyang Coke.
"Hala. Ano ba yan, Seth!"
"Nanalo kasi kami kanina, eh. Kaya mabait ako." Sabi niya habang binibigay ang hawak na pagkain sa akin kaya no choice ako. Sayang naman 'yung pagkain kaya unti-unti ko itong kinain kahit wala akong gana. Nakakahiya naman sa kanila kung magpapabebe pa ako.
Pagkatapos kumain ay inimbita kami ni Seth sa kwarto niya. 'Dun na kami tumambay magkakaibigan hanggang sa nagkayayaan nang umuwi. Nauna akong umuwi sa kanila dahil ayaw ko namang maabutan ako ng mga magulang ko na 'di pa nakakauwi. Kaya habang 'di pa sila nakakauwi ay dapat maunahan ko sila.
"Sige. Mag-ingat ka, Kass!" Paalam ng mga kaibigan ko habang kumakaway naman ako sa kanila.
"Hatid na kita." Ani Kenneth habang sumasabay sa akin sa paglalakad patungo sa gate.
"Wag na, Ken. Okay lang ako."
"Malayo ang highway dito. Mahihirapan kang sumakay."
"Okay lang ako."
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Fiksi RemajaSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...