Chapter One

24 1 0
                                    

Chapter One

Boyfriend ko yan

Unang araw na ng pasukan at unang araw din ng pagiging estudyante ko sa NDU. Halo halong emosyon ang naramdaman ko pagkagising ko. Nalulungkot sapagkat mamimiss ko ang MAU. At nasisiyahan din dahil alam kong magiging panibagong mundo ito sa akin at maraming nakaabang sa akin sa NDU. Nagligo agad ako at nagbihis saka dumiretso sa paaralan. Sinalubong ako ni ate Rancie sa gate.

"Oh ate Ran, asan si Reiz?" Tanong ko habang naglalakad na kami papasok.

"Ah, andun sa kabilang gate siya pumasok. 'Dun kasi dapat pumasok ang mga elementary pupils." Aniya at tumango nalang ako.

Habang naglalakad papuntang court ay text ni Marco ang bumungad sa akin.

Marco:
San ka? Andito na ako sa court.

Ako:
Papunta na.

Tinago ko kaagad ang cellphone ko sa bag pagkatapos kong magreply sa kanya. Nagmasid ako sa paligid at ni isa ay wala talaga akong kakilala. This is a whole new world to me. 'Di ako sanay.

Buong buhay ko bilang mag-aaral ay kulong lang ako sa apat na sulok ng campus ng MAU na katabi naman nito ang bahay ng lola ko. Kaya pagkatapos ng klase ay diretso agad ako sa bahay nila lola at 'dun hihintayin si mama para sunduin ako. Ganun lang ang routine ko araw araw kaya bago talaga sa akin ito. First time kong mag adjust sa isang lugar kung saan wala akong kilala maliban kita ate Rancie at Reiz na hindi ko naman mga kaklase.

Tumungo na kami sa covered court kung saan may general assembly daw. Naroon din nakapaskil kung saang section kami napapabilang. Sinulyapan ko ang listahan at nakitang sa St. Cecilia ako. 'Di ko naman alam kung saan yun at kung sino ang mga kaklase ko 'dun dahil 'di ko naman kilala kung mga pangalang nakalista. Dumiretso ang tingin ko sa mga upuan at nakitang may nakapaskil na 'St. Cecilia' sa isang linya ng mga upuan kaya pumunta ako 'dun. Sinalubong naman ako ng isang maliit at cute na teacher na nakabun ang buhok, nakaflat shoes at nakauniform na ang pang-ibaba ay skirt.

"Hello po. Dito po ba ang St. Cecilia?" Tanong ko.

"Yes, dear! Ano name mo?" Tanong niyang nakangiti. Ang sweet ng smile ni ma'am!

"Kassandra Therese Montez po." Sagot ko at agad naman niyang tinignan ang tingin ko'y listahan ng mga pangalan ng mga studyanteng nasa section niya.

"Dito ka nga! 'Dun ka nalang umupo, anak." Aniya at tinuro ang isang bakanteng upuan sa may gitna.

"Sige thank you po ma'am--"

"Margarette. Ma'am Margarette." Ani ma'am sa akin habang malambing na ngumingisi.

Tumungo naman ako sa upuan na iyon at nilapag ang bag ko sa sahig sa harap ko. Nagmasid ako at hindi ko naman kilala ang mga katabi ko. Naghintay nalang ako hanggang sa magsimula yung assembly.

Nakapahaba ang linya ng mga upuan kaya ang katabi ko sa kaliwa ay taga ibang section. Lalaki ito. Maputi siya, medyo makapal ang buhok at may kalakihan ang mata ngunit hindi naman pangit tignan. May itsura naman siya.

Ramdam ko ang kanina pang paninitig at pagsulyap niya sa may banda sa akin. 'Di ko naman ito pinatulan dahil ayaw ko naman mag-assume na ako yung tinitignan niya o di kaya'y gawing awkward yung atmosphere sa amin. Kaya tinuon ko nalang ang aking atensyon sa stage kung saan ay may coordinator na nagsasalita.

Pagkatapos ng general assembly ay dumiretso na kami sa kanya kanyang mga silid aralan. Sinundan ko nalang ang mga classmates ko na pinangunahan naman ng aming adviser. Pagpasok ko sa room ay andun na ang ilan kong mga kaklase. Naka-eye to eye ko pa ang isang babaeng classmate ko na naka bob cut, medyo maputi at may braces. Nakaupo siya sa dulo ng room. Nginitian ko siya at ngumisi naman siya pabalik. Gusto kong magkaroon ng good impression sa mga kaklase ko. Ayaw ko namang mabansagan nila akong snob.

Always Been You (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon