Chapter Nineteen

10 0 0
                                    

Chapter Nineteen

Happy for her

'Di ako makapaniwala. I seriously never thought that this was possible. Okay, OA. Pero seryoso. Who would've thought, right? His lastname starts with F while mine starts with M. Really, tadhana? Really?

'Di ko alam kung maghahalupasay ako sa tuwa o magpapalamon ako sa lupa sa hiya.

Habang naglalakad ako papunta sa upuang katabi ni Joaquin, ramdam ko ang mga mata ng mga kaibigan kong nakatitig ng malagkit sa akin.

Parang silang mga meme na nakikita ko sa facebook. Parang nakasmirk na naka-evil smile na ewan! Pareho kasi nilang alam na may gusto ako kay Joaquin. Pinagsisihan ko na tuloy na sinabi ko sa kanila!

"Oh, Kass!" Ani Joaquin nang nakaupo ako sa tabi niya. Nakipag-apir pa siya sa akin. I don't know how to react!

"Hi," sabi ko nalang saka tumango. At nakipag-apir na rin sa kanya. 'Di man lang ako makatingin sa kanya. Damn it! Don't be too obvious, Kass. Please lang.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko at ganun parin ang facial expressions nila. Mga baliw 'tong mga 'to. Ang sarap pag-uuntugin.

"Kamusta na kayo ni Marco?" Right. That question. Ang tanong na pagod na pagod na akong marinig.

"H-Ha? Wala na kami! Matagal na." Sagot ko ng 'di parin halos makatingin sa kanya. Asar.

"Weh. Sabi niya sa amin nagkita raw kayo noong nakaraang December?"

"A-ah, oo. Pero 'nung nag January nakipagbreak na talaga ako sa kanya." Sagot ko naman. Bakit ba ang akala ng lahat e kami pa ni Marco? Ang tagal na 'nun!

"Asus. Magbabalikan parin kayo nyan."

Natawa ako sa sabi niya. Sorry, Joaquin pero malabo na 'yang mangyari.

Nang nagrecess, panay ang pang-aasar sa akin nina Margaux at Rejane. Mga walang hiyang mga babae. Ang lalakas pa naman ng mga boses. Mamaya may makarinig. Ayaw ko namang mabuking, no! Lalo pa't may something pa sa kanila ni Kisha.

Nabalitaan kong nagbreak sila pero may nagsabi ring nililigawan daw ulit ni Joaquin si Kisha.

Bahala na nga. As if namang magkagusto sa akin si Joaquin. Kalma lang, Kass. Preno preno rin sa pag-iisip.

"Oh, anong feeling na seatmate mo ngayon 'yung crush mo? Yieee!" Kinikilig pang tanong ni Margaux sa akin.

Napangiti ako bago ko siya sinagot, "Uhh, siyempre masaya. Pero nakakailang din! 'Di nga ako makagalaw ng maayos." Kwento ko sa kanila habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Rhiaaannneee!" Sigaw namin saka niyakap si Rhianne nang nakita namin siya sa canteen.

"Anong section niyo?" Tanong ni Rhianne.

"St. John!" Sabay sabay na sagot naming tatlo. Nagsitawanan naman kami dahil 'di namin iyon sinasadya.

"Ay, grabe siya! So ako lang ang nahiwalay sa inyo?"

"Yup." Sagot naman namin.

Sabay sabay na dumating sina Kean, Jerome, James at Kyle sa table namin.

"Oh, kayo, anong section niyo?" Tinanong din ni Rhianne ang bagong dating na mga lalaki.

"St. Luke," Anang Jerome.

"Ikaw Kean?" Sabi ni Rhianne sabay turo pa sa kakaupo lang na Kean.

"Magkakaklase kaming apat. St. Luke kami lahat. Bakit? Ikaw? Anong section ka?"

"St. Paul, silang tatlo St. John." Napabahakhak naman ang mga lalaki dahil inaasar nila si Rhianne. Siya lang ang walang kabarkadang kaklase.

"HAHAHAHAHA! Kawawang bata! HAHAHAHAHAHA" Pang-aasar ng mga lalaki sa kanya. Napatawa nalang din kaming mga girls.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Always Been You (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon