Chapter Six
Pilit
Ipinakilala ako ni Kenneth sa papa niya ngunit minimal lang ang response nito dahil mukhang nagmamadali ata para sa game nila.
Nakatambay lang kami sa kwarto ni Kenneth. Marami kami kaya siksikan kami dito nang dumating ang kapatid niyang si Kobi.
Si Kobi ay five years old. Ang batang ito ay maputi, at kamukhang kamukha ni Kenneth. Mas gwapo lang itong si Kobi sa kuya niya. Sigurado magiging heartbreaker ito paglaki.
"Kob! Halika rito." Tawag ni Kenneth sa kapatid niya. Ang cute nila tignan magkapatid. Halatang mahal na mahal ni Kenneth ang kapatid niya dahil malambing siya rito.
"Ito si ate Kassandra. Girlfriend ko. Maganda o hindi?" Kumaway lang ako ng bahagya sa bata saka ngumiti.
"Hmmm...." Nag-act siyang parang nag-iisip at nilagay pa ang index finger sa baba. Ang cute!
"Oo! Ganda ate!" Sabi ni Kobi sabay talon. 'Di talaga nagsisinungaling ang bata! Hahahaha!
Pinalaro lang ni Kenneth ng computer ang kapatid niya kaya nadistract ito at 'di na masyadong makulit. Si Mariane naman ay yakap yakap ito at tila nanggigigil dito.
"Gutom na ako. Ken! Ano ba pwedeng meryenda dito?" Ani Precious habang hinihimas ang kanyang tiyan.
"Pwede namang bumili sa labas. May tindahan naman sa harapan pero kung gusto niyo, pwede naman kayo magluto. Basta kayo na bahala dyan! Feel at home! Bonding lang muna kami ni Kassandra dito." Tumawa ako at sinapak siya.
Lumabas si Precious kasama si RJ. Si Seth naman ay kanina pa umuwi dahil may ibang lakad pa raw. Ang natira nalang dito sa kwarto ay ako, si Kenneth, si Mariane, ate Sharah at Kobi. Si Jay ay umuwi na rin dahil may usapan daw sila ng papa niya.
Nagkwentuhan lang kami at binully si Kenneth dahil siya nalang ang lalaki dito. Pinanood lang naming maglaro si Kobi sa computer at minsan pa'y inaaway siya ng kuya niya. Tinutulak ko naman si Kenneth para kunwaring pinagtatanggol ko si Kobi.
Naamoy namin ang niluluto nila sa labas kaya lumabas na rin kami ng kwarto. Nagluluto si Precious habang si RJ naman ay nanonood ng tv sa sala.
"Ano ba yan Prey! Noodles?"
"Oo. Ano ba problema niyo? 'Di naman kayo inaano nung noodles!" Tumawa lang kami. Hinanda ko ang lamesa at nilabas naman nina Mariane at ate Sha ang tubig at ang tinapay. Si Kenneth at RJ ay bumili ng softdrinks sa labas habang si Kobi ay naiwan sa kwarto at panay parin ang paglalaro sa computer.
Lumabas kami ni Mariane sa bahay at may sinabi sa akin.
"Sis, alam kong 'di na magmamatter ito dahil alam ko namang masaya na si Kenneth sa'yo. Pero gusto ko lang maging fair sa'yo. Para 'di ka naman magmukhang tanga at para may alam ka. Gusto kong malaman mo na naging manliligaw din ni Precious 'yang si Kenneth."
"Ahh. Tapos?" Sa totoo lang, wala naman sa akin 'yan, eh.
"Sabay niya kayong niligawan. Pero nung sinagot mo na siya, tinigilan na ni Kenneth ang panliligaw kay Precious kahit na sasagutin na sana siya nito."
Shit. Ganun ka-jerk?! Oo, 'di ko naman mahal si Kenneth at hanggang ngayon ay kaibigan parin ang tingin ko sa kanya. Pero the fact na ganun siya, nakakawala ng respeto! Paano kung 'di ako 'yung isang niligawan niya? Paano kung ang babaeng 'yun ay inlove sa kanya? Tsaka isa pa baka nasaktan din niya si Precious! Shit. How could he do that?!
Nakaramdam na ako ng ilang nang pumasok kami sa bahay. 'Di ko alam kung kaya ko paring umasta ng normal pagkatapos kong nalaman iyon kay Mariane.
Pagkabalik nina Kenneth ay matama ko siyang tinitigan.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Roman pour AdolescentsSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...