Chapter Eleven
Best friends
Sumakay na kami kaagad sa tricycle nang napara na ito ni Chantelle. Nang nakarating kami sa Jollibee ay agad kaming pumasok at nag-order.
Matapos ng pag-order ay tumungo na kami sa table sa gilid. Dalawang attached upuan na may foam lang na magkaharap ang mayroon ang lamesang ito. Kaya kulang ito para sa aming lima. Punuan ang fastfood kaya naghila nalang ng upuan si Mairee saka pinuwesto ito sa gitna ng dalawang mahabang upuan. Unang umupo si Chantelle at Anton. Sila ang magkatabi. Umupo naman si Jacob sa harap nila saka iminuwestra sa akin ang tabi niya. Wala akong ibang maupuan kaya umupo na ako sa tabi niya. Bale kaharap ni Jacob si Chantelle, kaharap ko si Anton at sa gilid namin sa Mairee.
Ayaw kong bahiran ng malisya ang ginagawa niya. But I can't help it. Lalo nang boyfriend siya ng kaibigan ko. I mean, pwede naman kaming magkaibigan ni Jacob. But not that touchy.
"Chantelle, kumpleto na ba ang para sa project? Nasagot lahat ng tanong?" Tanong ko.
"Oo, Kass. Print nalang ang kulang tsaka folder."
"Sige, ako nalang magprint niyan."
"Kami na bibili ng folder." Ani Anton.
Hay salamat. Natapos din kami. Akala namin aabot pa kami ng iilang araw para matapos ito dahil isang mahabang listahan ng mga tanong ang ipinakopya sa amin ngunit madali lang naman pala.
Mas grabe ang tawanan namin dito sa Jollibee dahil sa hyper na si Mairee. Nagkukwento siya ng nakakatawa ngunit mas nauuna siyang tumawa kaya tinawanan namin siya. Maliit ang boses niya at isa rin 'yun sa mga tinatawanan namin. Pati maliliit na bagay ay tinatawanan niya kaya nadadala kami. High ata 'tong si Mairee.
"HAHAHA! Si Jollibee nasa motor! One million daw. HAHAHAHA!" Aniya at tinuturo ang poster ni Jollibee na nakasakay sa isang motor at may nakalagay 'dun na raffle at pwede daw manalo ng one million.
Humalakhak lang din kami ng humalakhak dahil sa kanya. Ang kulit!
Panay din ang pagpapatawa ni Anton kaya sumakit talaga ang tiyan ko sa kakatawa.
Nang nagkayayaan nang umuwi ay nagsitayuan na kami at lumabas sa Jollibee.
"Saan tayo sasakay?" Ani Chantelle.
"'Dun sa kabila. Mag-abang nalang tayo ng multicab." Ani Jacob at tinuro ang kabilang kanto kung saan kami mag-aabang. Kailangan pa naming tumawid sa highway.
Naunang tumawid si Mairee tapos si Anton at Chantelle. Magpapahuli sana ako at papaunahin ko sana si Jacob nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko sa pagtawid. Nabigla ako sa kanyang ginawa. Marunong naman akong tumawid, ah.
Nang nakatawid kami ay kinalas ko ang kamay ko sa kanya. I don't think I can get used to this.
Matagal na dumating ang mga multicab kaya naisipan naming pumakyaw nalang uli ng tricycle.
Tumungo sa front seat si Anton at naunang sumakay si Mairee at Chantelle sa loob.
"Ikaw na mauna." Sabi ko kay Jacob.
"Hindi, ikaw na. Sige na." Aniya saka hinawakan niya ang lower back ko at hinila ako bahagya papunta sa tricycle para makasakay na. Habang papasok ako ay hinahawakan niya 'yung bakal taas ng entrance ng tricycle na gesture iyon upang maiwasang mauntog ako sa bakal. Saka sumunod naman siyang pumasok.
Pagpasok niya at umaandar na ang tricycle ay bigla niyang tinaas ang neckline ng damit ko.
"May tumitingin sa'yo sa labas. Baka mabosohan ka." Aniya at tumingin sa mga lalakeng nakamotor na nakasunod sa amin. Nakatingin nga sila. Kaya tinaas ko ng mabuti ang damit ko. Ganyan. Ayan naman siguro ang tamang gesture ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Novela JuvenilSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...