Chapter Four
The second
'Di ko tinanggihan ang alok ni Kenneth. Okay lang naman dahil pwede ko namang isama si ate Sharah at kasama naman uli sina Oliver at Jay kaya 'di naman siguro ako maiilang. Isa pa ay libre naman nila. Gagawan ko rin ng paraan para makapoints na si ate Sha kay Kenneth.
Andito na ako sa mall habang hinihintay si ate Sharah. Nasa World of Fun na raw sina Oliver pero ayaw kong maunang pumunta sa kanila dahil baka magtampo si ate Sha kasi 'di ko man lang siya hinintay. Naka maroon na long sleeves ako ngayon at itim leggings. Mahaba naman ang top ko kaya 'di ako conscious na magsuot ng leggings. Nakadoll shoes lang din ako at gamit ko parin ang brown kong sling bag.
Nang nakarating sa wakas si ate Sha dito ay tumungo na agad kami sa World of Fun. Nagbabad lang kami sa paglalaro dito. Masaya naman dahil may pagkachildish naman itong mga kasama ko. Bumili ako ng ilang mga token para makalaro na ako sa kung saang gusto ko. Buti at may dala akong pera.
"Lima po." Sabi ko 'dun sa babaeng bumibigay ng mga token. Nang natanggap ko ang mga ito ay dumiretso ako sa basketball machine. Gustong gusto ko kasing magshoot ng bola kahit wala naman akong gaanong ma-shoot.
Nang pinasok ko ang token 'dun sa hulugan ay nabigla ako nang biglang sumulpot si Kenneth sa tabi ko at nag-insert din ng token sa basketball machine sa tabi ko.
Nginitian lang niya ako at nginitian ko naman siya pabalik.
"Palakihan tayo ng score!" Hamon niya. Yabang, ah! Porke't star player siya ng basketball team ng HTU tingin niya aatrasan ko siya? No way. Try me, Kenneth. Pero joke lang, 'di naman talaga ako pro dito, eh.
"Sige ba!" Pagmamayabang ko ring sagot kahit alam ko namang matatalo ako.
Nagsimula na ang pagshoot ko ng bola. Panay tawa ko dahil 'di naman ako nakakashoot. Nakakahiya tuloy. Na-pressure ako dahil anlayo ng score niya sa akin. Binilisan ko ang pagshoot ng bola pero wala akong nai-shoshoot. Mayroong isa pero ang kasunod ay sumesemplang na.
"Tulungan na kita." Ani Oliver na bigla ding sumulpot sa tabi ko at kumuha ng bola sa basketball machine na gamit ko.
Tumaas naman ang score ko kung ikukumpara kay Kenneth dahil nga sa tinutulungan ako ni Oliver. Sumulpot naman si ate Sharah sa tabi ni Kenneth at nagshoot din ng mga bola.
Nice move, ate Sha! You go girl!
Nang natapos ay naging mas malaki ang score ni Kenneth. Star player ba naman. Ano bang laban ko 'dun. Isa pa ay tinulungan siya ni ate Sha.
Tumungo naman kaming lima sa bump car kung saan tatlong bump cars nalang ang bakante.
"Ganito, kayo ate Sha at Kenneth ang pares, kayo Oliver at Jay at ako na mag-isa." Inunahan ko na sila para matuloy ang match making na ginagawa ko. Tumango naman silang lahat. Mabuti.
Isa isa na kaming sumakay sa kani-kaniyang bump car. Nakasakay na ako dito sa kulay red kong bump car. Inayos ko ang seatbelt at ikinabit ko sa sarili ko nang namataang biglang sumakay si Kenneth sa tabi ko.
"Oh? Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko kayong dalawa ni ate Sha?"
"Nakipagpalit si Jay, eh. Kaya lumipat ako dito." Panira itong Jay na ito! Asar.
Wala na akong nagawa dahil nagsimula nang umandar yung mga car.
Drive lang ako ng drive paikot ikot. Minsan ay nababangga pa ako sa gilid dahil 'di naman ako masyadong marunong magdrive nito.
BINABASA MO ANG
Always Been You (On going)
Roman pour AdolescentsSa realidad, hindi natin agad basta bastang nakikita ang taong nakatakda para sa atin. Dadaan tayo sa ilang mga pagsubok at hindi ito maiiwasan. Dadaan din ang mga panahong iibig tao sa iba't ibang maling tao ngunit dumaan lang sila sa buhay natin u...