"BAKLA KA???????!"
Napatulala nalang ako sa reflection niya sa mirror. I tried to make sense of what was going on. Shock registered on my face. If not for the sound of the door opening, nakatunganga pa rin ako.
The cute guy peeked in.
"Ano na, Kief? Wala ng tao! Tara na!"
And Kiefer went out of the comfort room hurriedly, without saying a word. Several seconds passed and I still couldnt believe kung ano ang nangyari. Hindi maaari. Hinding-hindi maaari.
Tanga tanga ko. Five years na akong nagpapantasya sa kanya, pero di ko man lang napansin ang berde niyang dugo. Hala ka! Bakit? Paano? Posible bang ang isang tinitingalang member ng basketball team ay may tinatagong lihim? Oh my god.
I was taken out of my thoughts when my phone rang. I answered it without looking at the caller ID.
"Baldo! Gano ba kalayo ang klase mo at wala ka pa rin dito?! For Pete's sake, gutom na gutom na mga alaga ko! Maging considerate ka naman."
I laughed. Ella. As always.
"Donya talaga, kelan ba di nagutom mga alaga mo?"
"Wag moko asarin. Masamang magalit ang taong gutom. Dali na kasi. Pag wala pakong nakitang anino mo in five minutes, ililibre mo talaga ako."
"Oo na, oo na. Papunta na po."
I ended the call, packed my stuff, and started to walk to the cafeteria.
Lunch went well. As always ang daming nakain ni Ella at ako ang nagbayad ng lahat. Di naman kasi tumatahimik hanggat di nililibre. E nakakarindi na boses niya kaya no choice. Laking bawas na naman sa allowance ko.
Nandito kami ngayon sa gym. Naghihintay na magsimula ang training. Thankfully, sobrang naging preoccupied ako dahil sa mga kwento ni Ella, at di ko na masyadong naiisip ang mga nangyari kaning umaga. I just pushed those unwanted thoughts aside... for the mean time.
Ella: Ly, may tanong ako.
Alyssa: Hmmmm?
She dribbled the volleyball on the floor. It took her awhile to talk.
Ella: Bakit di mo nalang subukan makipagkaibigan kay Kiefer? Lamoyun, para di ka na nakaw tingin o di kayay panay pantasya sa kanya.
Ly: Besh...
Ella: Ano, nahihiya ka? Malay mo di ba. Maging close pa kayo. Di naman imposible di ba. Same school lang kaya kayo tas pareho pang athletes.
Ly: Kala ko ba aral muna bago landi? Anyare besh?
Ella: Oy a, di ko naman sinabi makipaglandian ka dun. Sabi ko lang makipagkaibigan ka. Magkaiba yun.
Napabuntong hininga nalang ako. Everything that happened that morning came back rushing into my mind. The dream, the encounter. And I felt a tug in my heart. I heaved a deep sigh once again.
Ella: Wow lalim naman nun.
Ly: Besh di pwede e. Given na yun na nahihiya ako. Pero I don't think we'll ever be friends.
Ella: At bakit aber?
I picked another ball up and went near the wall. I spiked the ball against it time and again.
Ly: Kasi Ells, wala talagang chance. Let's leave it at that.
Tumahimik na rin si Ella.
My mind went back to what I witnessed earlier. Kahit naman maging kaibigan ko pa si Kief, I don't think we'll ever be close friends. If anything, magiging awkward lang kami. Well, of course, I have a crush on him. Kung kahapon pa lang sana nisuggest ni Ella yun, I would have been giddy. But after today, ayoko na.