It became controversial...
...kung anong meron kami.
People had been speculating. I mean, matagal naman na talaga kaming naiissue sa isa't isa at wala kaming pinaunlakan man lamang ng interview tungkol doon. And that was fine.
It had been almost a month since naging kami and so far smooth sailing naman. Kaya nga ayaw namin umamin sa publiko, kasi ineenjoy pa namin ang kaunting privacy na natitira samin in the early goings of the relationship. Once we go public kasi, alam namin na what we have will be up for more public scrutiny. Malala na nga yung hate tweets na nakukuha namin na speculations pa lang, e pano na kaya pag nagkaaminan na?
Kief: Babe okay ka lang?
Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko. We were having a garden dinner sa bahay nila. Celebration ng first month namin together. O di ba ang cheesy? But we swore this will be the only monthsary na kelangan ng celebration. Oa kasi pag monthly nalang.
I smiled at him and held on to his hand.
Ly: Thank you.
Kief: For what?
Ly: For understanding why ayoko munang i share to sa lahat. Kahit alam kong gustung gusto mo nang ipagsigawan na tayo na.
He held my hand tighter.
Kief: No, babe. Thank you.
Ha? Ako naman ang naguluhan. Why?
Kief: For accepting my love. You really didn't have to return the same back, but you did. I am more than blessed. Mapasakin ba naman pinaka indemand na babae sa balat ng lupa.
I swat his hand away. Yan na naman. Nang-aasar na naman siya. But naiinis ako kasi kinikilig ako. Namumula na siguro ako ngayon.
Kief: Kinilig ka naman!
Ly: Hala ang assuming mo po. Naiinitan lang ako kaya ako namumula.
Kief: Sige na nga. Kunyari naniniwala ako.
I laughed. He giggled.
I sighed. I don't mind having this for the rest of my life.
Kief: Kain na tayo? Sayang naman tong mga niluto ko.
Ly: Sus ako pa lolokohin mo. Alam ko namang si Mama ang nagluto niyan, noh.
Kief: Ha? Di noh. Ako kaya.
Ly: Sige pa Kiefer. Isang lie pa, ibebreak kita.
Napakamot siya sa ulo niya before giving me a shy smile. Sabi na nga ba eh.
Kief: Oo na. Kasi naman sobrang naging busy ako tas ang hirap maghanap ng time na magkaabot ang schedule namin ng mama mo. Di tuloy niya ako naturuan.
I chuckled. Ang cute. Namumula siya as he explained himself. Paano ko nga ba nalaman na si Mama ang nagluto? Well, nakikita ko kasi siyang nakadungaw sa second floor veranda ng bahay nila Kief, nakadungaw sa amin. Ano namang gagawin niya dito di ba?
I pointed at her and Kiefer followed my fingers.
Kief: Sorry na, babe. Na pressure kasi ako. These past few days nagkecrave ka ng binagoongan ng mama mo, e di naman ako marunong nun.
Ly: Ewan ko sayo, Kief. Pero salamat na rin for bringing Mama here.
Nginitian ko si Mama and she did the same to me and Kief. After that, naglakad na siya pabalik sa loob.
Nag-enjoy nalang kami ni Kief sa pagkukwentuhan ng kung anu-ano which was amazing kasi kahit na halos kami ang magkasama everyday, di pa rin kami nawalan ng topics. We were also enjoying our food. Pagkatapos, nagpasya kaming lumabas muna at mamasyal sa park ng subdivision nila.