As expected andito ako sa MOA. May pa cheerleader cheerleader pa kasing nalalaman yung mokong, e pupunta naman talaga ako kahit di niya ko inuto ng ganun.
Anyway, tapos na ang game. Although he did his best, talo pa rin sila. Hello, powerhouse yung kalaban nila and they're pretty much a rebuilding team. Kahit naman na may phenom sila, team sport pa rin basketball. Di naman sa kulang sila sa effort o teamwork, malakas lang talaga ang FEU.
Some of my teammates had already left due to some important matters. May kanya kanya rin silang lakad kaya I was left alone on the bleachers.
Busy ako sa pagbrowse ng twitter when I felt somebody sit beside me.
"Hi Ate Ly!"
Oh. It was Dani.
I kept my phone and gave her a hug.
"Tara dun, ate! Tapos na ata sila Mommy mag-usap. Dun na natin antayin si Kuya!"
Di nako nakahindi pa sa kanya since she practically grabbed me by the wrist para dalhin ako sa kung san ang parents niya. Tsk, sobrang energetic talaga ng batang to.
As soon as we got near, Tita Mozzy hopped up her seat and offered me her cheek.
Tita Mozzy: Ly, so good to see you. Sama ka samin magdinner ha.
Ly: Naku wag na po, Tita. Kakausapin ko lang po si Kief saglit tas balik na rin po ako sa Dorm.
Bong: Alyssa, sumama kana samin. Sunday ngayon, take some time off your busy sched ng makapag enjoy ka naman.
Di ko namalayan nasa likod ko na pala si Tito Bong. Nagbeso nalang kami before I spoke again.
Ly: E Tito, family dinner niyo po yan at saka may gagawin rin po kasi ako e.
Thirdy: Yan! Palusot pa more, Ate Ly! Di uubra sa pamilya Ravena yan.
Dani: And Ate Ly, you're family naman e! Baka nga in five years, Ravena ka na.
Ohwow. Im sure namula ako ng bongga sa comment na yun ni Dani. Na elbow ako dun a.
Binatukan naman ni Thirdy si Dani.
Thirdy: Ano ba, Dan. No pressure. Wag mo na pansinin si Dani, Ate Ly. Basta sama ka samin ha.
Dani: Grabe sakit nun ha. Ano bang masama sa sinabi ko. Totoo naman ha.
Thirdy: Ewan ko sayo.
Bong: O tama na yan. Dani, samahan mo na muna si Alyssa maghintay. Una na kami ng mommy mo, baka ma cancel pa yung pinereserve natin sa resto.
Thirdy: Pa dito nalang din ako.
Mozzy: Ay naku anak wag na. Baka mastress lang si Alyssa pag nag-away pa kayo ni Dani. Tara na. Ly, sunod nalang kayo a.
I just smiled. Parang wala naman akong choice e. Hay. Ang sarap naman sa pakiramdam na parang im very welcome sa family na. Walang stress.
Thirdy: Dani alagaan mo si Ate Ly! Kundi patay ka talaga kay...
Dani: Ansa...
Sasagot pa sana si Dani nung pinigilan ko siya. Kaya nag tongue out nalang siya kay Thirdy then turned to me and smile.
Bong: Oh, mga anak, pano una na kami. Call us when you need anything ha.
Thirdy: Oy Ate Ly. Anak daw o sabi ni Papa. Welcome to the family!
Binato ni Dani ng water bottle si Thirdy. Nakailag naman ang huli at tawang tawa siya sa expression ng nakababatang kapatid.
Dani: Tamo to. Akala ko ba , no pressure?