33

3.9K 112 14
                                    


"How dare she!!!"

Jia exclaimed. Nasa isang study hall kami sa dorm at nagkkwentuhan. Nabanggit ko sa kanila ang nangyari samin ni Mika kahapon. Buti nalang at wala kaming class at training ngayon kaya't may time kami mag catchup sa kanya kanyang buhay. Kahit naman magkateam kami at nakatira sa iisang dorm, may mga buhay pa rin kami labas nun kaya we need to talk about random things also.

Den: Pero in fairness sayo besh ha, kakaloka pagka fierce mo!

Ella: Oo nga! Pak na pak na pak! Mana ka talaga sakin.

The other girls threw a unified suspicious look at Ella, and laughed.

Amy: Fierce ka pala?

Ella: Tse! Yan na naman kayo! Ibubully niyo na naman ako!

Amy: Para nagtanong lang, e.

And we laughed as Ella sulked in her seat. This was exactly what I needed. Friends to talk to about issues I'm going through. Hindi man sila yung conventional na makakapagbigay agad ng mga serious advices, at least they listen. And they try their best, although almost always useless suggestions ang nakukuha ko sa kanila.

Bea: Seriously tho, Ate Ly, may saltik na yung babaeng yun. You really have to be extra careful.

I smiled. That I know. Given her competitive spirit, Mika wouldn't just go down without a fight. I just hope wag lang maging malala ang gagawin niya sakin, or Kief, for that matter.

Bea: But don't worry, we're here for you.

Den: Saka besh, you really have to make a move before she does.

Ly: Yun na nga besh e. Initially, gusto ko sana more than a week pa bago ako bumawi kay Kief. At least may time pa to prepare. Pero with the way things turned out, parang deliks na.

Lau: One week?! Gano ba kabongga yang plinano mong bawi?

I sighed. A deep one. Wala pa kasi akong plano, e. Things just happened yesterday, and given my busy sched, sobrang hirap mag concentrate on planning something for Kiefer. Oo na, ang weird na ang babae ang nag-eeffort. Pero kasi, hindi rin naman biro ang ginawa namin sa kanya. I just buried my face on my palms.

Ella: Omg besh. Alam ko yan. Wala ka pang naiisip na magandang surprise, ano?

I took my palms off my face and looked at the group before resting my chin on the table.

Ella: Sabi ko na nga ba, e. Hay nako besh. Wag kang magpatalo kay Mika. Aba, MVP ka. Kaya mo yan.

Jia: Plus, you have the perfect accomplices in us, Ate.

I know naman na tutulong talaga sila sa akin. Aba minsan lang kaya ako magkalovelife tas bet pa nila si Kiefer para sa akin kaya for sure todo suporta sila. But I can't take away the feeling of worry. What if maunahan ako ni Mika? What if mabawi nga niya sa akin si Kiefer? Hindi ko yun kakayanin.

Ano ba, Ly? Akala ko ba trust Kiefer?

Tssss. I buried my face in my palms again.

Ideas! I need ideas! Kelangan ng isang matinong plano na madaling i-execute in the shortest time possible. Fuck time and space, Kiefer! You're mine and mine alone...

But how?

Ly: Hay. This is stressing me out.

I wish I could just throw it out there and tell Kiefer how much he means to me. I mean, I'm pretty sure he knows that already, pero not to what extent. But he deserves more than that. I am desperate for him to feel how much I love him. And words just won't do it justice.

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon