Otso

4.2K 102 2
                                    

"Hoy Ly! Ano ba. Masakit na ha! Bitawan mo nako!"

I can hear the irritation in his voice... And the pain. Malayo layo na rin ang nalakad namin and since we left the caf, di ko pa rin binibitawan ang tenga niya. Kaya yan, kanina pa nagrereklamo.

Kief: Ly naman! Papatulan na kita! Isa...

Galit na siya pero wala akong pake. Galit rin ako noh. Sobrang napahiya ako kanina dahil sa kanya. Dapat nga kinikilig na ako ngayon e pero dahil sa sobrang puot, deleted lahat ng electricity sa katawan ko. Kung di ba naman siya makulit edi wala kaming problema ngayon.

Kief: Sinusubukan mo talaga ako ha. Dalawa...

At dahil nakakarindi na ang boses niya, binitawan ko nalang. Kahit konti naman may awa pang natira sa katawan ko.

Kief: Sus takot ka naman pala e.

I shot him a death glare. Awwwe ang cute. Pulang pula ang tenga niya and hinihimas niya yun. It looked like nasobrahaan ang pinch ko pero whatever deserve niya yon. Tawanan ba naman ako. Hmp!

Ly: Pwede ba Kiefer. Naiingayan lang ako sayo. Tabi!

I walked past him towards a bench under a tree. Perfect. Makakapagchill ako, pampawala ng stress. Sana lang di ako sundan ng mokong. Naupo nako agad.

Unfortunately, sumunod talaga siya sakin and sat beside me. He was still massaging his ear but I didnt care. Tumayo ako. Pupunta nalang akong dorm para matulog. At least dun tahimik at walang mambubulabog sakin.

Kief: Ly! Saan ka pupunta?! Sorry na huy! Sorry na!

Bahala ka dyan. Talagang di kita patatawarin. Well actually I knew deep inside that I forgave him already. Pero kelangan ko lang talagang magpalipas ng init ng ulo. Nagpatuloy lang akong maglakad.

For awhile I thought na hinayaan niya nalang ako. But no. A couple seconds later, katabi ko na siyang maglakad. Nakakairita na ha.

Ly: Anong ginagawa mo?!

Kief: Uh... Naglalakad?

Ly: Kiefer!

Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Di ba talaga siya marunong magpaka serious? Kahit ngayon lang o!

Kief: Naglalakad nga. Sasama ako sayo sa ayaw at gusto mo.

Ly: Layuan mo nga muna ako!

Kief: Yoko nga. Galit kapa sakin e. Di ako aalis sa tabi mo hanggat di moko napapatawad.

Ly: Arghhhh! Bahala ka na nga!

Apakakulit niya pong tao. Di keri ng bangs ko. As if naman may bangs ako. But anyway, hinayaan ko nalang siya. Alam kong di ako mananalo sa kanya. Napakainit pa naman. Ayoko nang dagdagan ang pagkastress ko.

Buti nalang di siya nagsasalita. Tahimik lang kaming naglalakad.

Malapit na kami sa dorm when I realized na di pako ready na pumasok dun. For sure magiging target ng asaran lang ako ng mga teammates ko. Kaya, I decided to go to the field. Papahinga nalang ako sa may bleachers dun.

Kief: Di ka uuwi sa dorm niyo?

Ly: Maya na. Aasarin lang nila ako dun.

Kief: Samahan mo nalang kaya ako.

Hmm san na naman kaya siya pupunta? Nope, Kief. Mag-iisip pa kasi ako ng magandang revenge e. Ayoko ma distract.

Kief: Sige na. May bibilhin lang ako sa mall.

Aba yoko nga. Kapagod kayang maglakad lakad dun.

Kief: Libre kitang ice cream!

Hmmmm. Sounds tempting.

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon