35

4.3K 103 15
                                    


"Kief, please be my boyfriend..."

Huminga ako ng malalim pagkatapos sabihin yun. Nakakahiya pala to. Yumuko nalang ako para di niya makita ang pamumula nang mukha ko.

Kinabahan ako lalo nung makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin siya umiimik. Irereject ba niya ako? Kumakalabog na ang puso ko. Ewan ko kung anong gagawin ko. Napabitaw nalang ako sa kanya.

Nagbabadya ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Para kasing lahat ng efforts na to ay masasayang lang. Naunahan na ba ako ni Mika? Kahit kailan talaga yung babaeng yun panira ng lovelife ko.

Kinuha niya agad ang mga kamay ko bago pa ako makatalikod sa kanya. Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa langit.

I wanted to freaking scream at him. I wanted him to say even just a word. I can't wait for him any longer. Naghuhuramentado na ang puso ko. Nanginginig na kalamnan ko.

If... If he would reject me... What was I to do? Hindi ko siguro kakayanin.

Napupuno na ako.

Ly: Ano ba Kief!!! Sagutin mo naman ako! Kung ayaw mo, sabihin mo. Di yung kelangan ko pang tantyahin kung ano man yang nasa isip mo! Konting consideration naman.

Di ko napigilan. Nasigawan ko siya. Kasi naman e. All the pressure inside me was eating me alive. Oo nga't magaling akong mag handle ng pressure sa court at sa school, pero hanggang dun lang yun.

At ang gago, tinawanan lang ako. Langya talaga. Makurot nga to sa braso.

Kief: Aray aray huy Ly! Sadista mo! Tangna ang sakit!

Ly: Yun lang pala kelangan para magsalita ka, eh. Kanina ko pa sana ginawa.

He smiled. That earth-shattering, mind-boggling, bedimpled smile. Yung makikita mo yung amusement sa mga mata niya. Yung unang kita mo palang sa kanya, alam mong masaya na siya.

Sana lang masaya talaga siya...

Bumaba siya sa railing saka humarap sa akin. He cupped my face and gave me a peck on the nose, before holding both my hands. Tumingin na naman siya sa langit.

Ly: Ginagawa mo?

Kief: Sssshhhh...

Nababagot na ako dito ha. Ni isang salita tungkol sa hiling ko sa kanya wala man lang siyang sinabi. Ano ba? Kelangan ko pa bang i interpret lahat ng mga galaw niya? Aba nakakapagod kaya.

Hinayaan ko siya sa kung ano mang ginagawa niya pero hindi ko na maikakaila ang inis na nakapinta sa aking mukha. Gusto ko sanang humalukipkip pero kada babawiin ko ang kamay ko, hinihigpitan niya lang lalo ang hawak niya. Tinaasan ko siya ng kilay nung mapatingin na siya sa akin finally.

Kief: O bat nakabusangot ka?

Iniwas ko ang tingin ko.

Kief: Babe naman, e. Nagpasalamat lang naman ako kay Lord sa gabing ito.

Napatingin ako sa kanya. Ayan na naman ang mala-anghel niyang ngiti. Eh si Lord na yun, makikipagkompetensya pa ba ako. Tumango ako sa kanya. He stared at me and cupped my face again.

Grabe kanina pa niya to ginagawa sa akin. Kala ko hahalikan niya na ako pero paasa. Ngumingiti lang siya. Tssss.

Kief: L-Ly... No.

No.

No.

No.

NO. N. O. NO!

Bigla akong nanghina at napayuko. Tangna ang sakit. Unti unti nang umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Iniharap na naman niya ako sa kanya.

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon