Masyado ata kaming naging komportable ni Kiefer sa ayos namin kaya't mej napahimbing ang tulog namin.
Usapan ng barkada magkita kita sa lobby ng 11am, pero ten minutes past eleven, e andito pa rin kami ni Kiefer sa kwarto namin ni Jia. Nakahiga at nakapulupot ang mga braso sa isa't'isa.
Gising na ang diwa ko pero yung kayakap ko e humihilik pa. Pagod ata talaga sa biyahe. Hinayaan ko nalang. Komportable naman kasi talaga ako sa piling niya at I don't see myself getting tired of this situation. At least not in the near future.
Sumiksik pa ako sa kanya bago hinigpitan ang yakap ko sa katawan niya. Langya! Bango talaga ng isang to.
"Hmmmm..."
Ungol niya saka hinigpitan rin ang yakap niya sa akin. Di ko nalang yun pinansin at sinubukang maidlip muli.
Pero sa kasamaang palad, kahit sobrang pagod din ako, hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha.
What are you staring at, Alyssa? Get a good hold of yourself.
I mentally cheered myself on, pero wala e, ayaw paawat ng mga mata ko. I just lay there, still staring. Pilit kong hinahanap sa mukha niya ang kasagutan sa mga tanong ko.
Kung bakit baliw na baliw ako sa kanya noon? Kung bakit hanggang ngayon may epekto pa rin siya sa akin? Kung bakit pilit ko na nga siyang kinakalimutan pero bumabalik at bumabalik pa rin?
Kung bakit kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na hanggang bestfriend na lang ang turing ko sa kanya ay di ko pa rin ito mapaniwalaan?
Kung bakit ni minsan, mula sa pagbalik niya, ay di ako nakaramdam ng poot kundi purong pagmamahal para lang sa kanya?
And in just a motion, parang natagpuan ko ang kasagutan sa lahat ng mga tanong ko. The way his lips curled into a smile that could light up the universe. The way his dimple offers itself to anyone as a representation of how perfect a flaw could get.
He just freaking grinned, and I knew. It was not him all along. It was how he makes me feel, with just the littlest of actions and simplest of words.
Pero bestfriend lang. Bestfriend muna.
Kief: Baby, stop staring.
He said in probably the sexiest voice I have ever heard. Instead of feeling defensive, I felt flattered. Bakit? Cause he freaking called me baby. I didn't even care if he caught me staring at him.
It dawned on me na gising na pala siya. Pero di niya pa rin iminulat ang mga mata niya.
Ly: Lika na. Baka hinahanap na nila tayo.
Sinubukan kong kumawala sa kanya at tumayo na pero hinigpitan niya lang ang hawak niya sa akin.
Ly: Kief...
Kief: Good morning.
And he pouted. Sus, nagpapahalik lang pala. So I gave him what he wanted and in an instant, he opened his eyes and grinned.
Ly: Good morning! Okay na?
He nodded and let go of me. Tumayo na rin ako at niligpit ang hinigaan ko. Pero bago ako matapos, kinuha niya ang comforter na hawak ko.
Kief: Ako na dito. Mauna ka nang mag-ayos. Baka hinahanap na tayo.
Pagkasabi niya nun, I instantly checked the digital clock on the bedside table. 11:27. Sana lang di pa kami hinahanap nila Den. I picked up my phone and noticed a text from Jia.
From: Jia
Ate Ly, kayo na bahala lumusot. Dito nako sa baba.
Oh well, hindi naman siguro mahirap lumusot kila Den at Ella knowing na iba iba kami ng rooms. What could possibly go wrong?