32

3.7K 129 22
                                    

Tumawa siya. A slightly evil laugh.

But hindi ako nagpatalo. Ayokong isipin niya na takot ako sa kanya. Hello, I might be known as one of the most softspoken people in the industry, pero may fight ako sa puso ko. It's just that I know how to choose my battles. Tinitigan ko siya, with an eyebrow raised.

Hindi naman talaga ako maldita. Sa mga kaibigan ko lang, minsan. Pero in general, ayokong nagmiminaldita. But certainly, if the need arises, aba, athlete ako, Im always up for the challenge.

Ly: If you're just gonna laugh your guts out, you're wasting my time.

Akmang maglalakad na ako when she pulled me by my arm. Aaminin ko medyo masakit but I just couldn't give her that satisfaction. I swat her grip away.

Ly: First, you tried to slap me. Second, a grip on my arm. Didn't your parents, or kahit school nalang, teach you how to approach people properly? My gosh, Mika.

Yep, it was Mika. And normally, I would have thought of her as a friend. Pero after knowing everything, mainit na ang dugo ko sa kanya. Nakakabwisit yung mga taong sobrang two-faced. Aakalain mong mabait pero nasa loob pala ang kulo.

Mika: Hindi lahat ng tao kailangan ng proper approach, Ly. Depende rin yun sa taong iaapproach mo.

I just shook my head. Wala ng pag-asa tong babaeng to. Walang modo. Gustuhin ko mang intindihin siya, di ko magawa. Bwisit kasi talaga ako sa kanya. At kung sana lang e maayos siyang pumunta sakin, baka dun lumambot pa ang puso ko at magdesisyon akong magpakabait sa kanya.

I urged her to go on. I can't just lecture her about manners. Alam kong walang patutunguhan yun. Mas mabuti pang I listen to her talk, tas we'll take it from there.

Kahit mainit ang dugo ko sa kanya, I tried my best to calm myself down. I wanted to take the high road. At least for now.

Mika: Di ka na nakaimik dyan? You realized siguro na you dont deserve to be treated properly, ano?

Ly: Alam mo, I dont have the luxury of time. Just go straight to the point. Baka masayang lang ang pagpunta mo rito. Malayo pa naman ang pinanggalingan mo.

I waited. And waited. Pero hindi na siya umimik. Tinitigan lang niya ako. Ugh, Im wasting my time. Marami pa akong dapat gawin at dapat isipin.

I moved aside so that I have a clear path to walk away. This is one battle not worth fighting, I finally decided.

Mika: You know what, Ly, I pity those people who idolize you. Who worship you like you're God or something. Hindi nila alam na nasa loob ang kulo mo. Na the person who they thought is perfect, e may tinatagong napakabahong personality pala. Na ang taong yun ay isang napakalanding babae pala!

Same goes for you, Mika. But whatever. Say whatever you want. Ayokong makipag-away sa kanya as long as ako lang ang tinitira niya. So I continued to walk past her.

Mika: Seriously, Ly? You think seryoso si Kiefer sayo? He's playing with you, Ly. Hanggang laruan ka lang! And when I decide to come back to him, babalik at babalik siya sakin! You're nothing but a rebound! Isang panakip butas! Klaro naman, e! You're nothing compared to me!

And that was the last straw. Ayaw ko sa lahat ang madamay ang ibang tao. Lalong lalo na at mahal ko pa ang tao na yun. Siguro this was not a fight worth fighting, pero iba si Kief. He's worth fighting for. Kaya kahit ayokong mang away, gagawin at gagawin ko maipagtanggol lang siya. And partly, to silence the bitch. Kuda ng kuda, halata namang sobrang bitter.

I faced her and walked near her. Mga ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin. I know I was not good at confronting people pero I have to do this. Tama na. Naiinis na ako sa kanya. This has to stop. She has to stop. I'm not about to just sit around and watch her play with mud. Kung kelangan ipapatikim ko sa kanya kung gaano kasakit maglaro ng apoy ng hindi nag-iingat.

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon