Pinatay ko nalang ang phone ko.
Nakakainis.
Kanina pa ako text ng text at tawag ng tawag sa kanya pero di naman niya sinasagot. Pwes, bahala siya. Mamatay siya kaka contact sakin mamaya.
As if naman magtetext talaga siya sa akin.
Anyway, I just got my iPad mini para aliwin ang sarili. It's almost nine in the morning at nandito na kami sa condo ni Rex. Kaka checkout lang rin namin sa hotel. Pupunta kaming Alegria ngayon para mag canyoneering pero etong mga kasama kong parang walang mga balak na umalis. Si Von, Rex at Ysay nagkukwentuhan sa veranda. Maganda kasi ang view ng condo nato, overlooking sa dagat. Si Jia at Therese busy pa sa pag-aayos ng mga gamit nila. Habang si Laura, nakaupo sa tabi ko, gumagawa ng paper. I know right, sobrang tutok niya talaga sa academics slash trabaho niya. Sina Den at Ella? Ayun namili raw muna ng mga pagkain na dadalhin namin. And si Kiefer, aba ewan ko dun! Di nga kasi sinasagot mga texts at tawag ko.
Lau: Bagot na bagot ka dyan?
Napatingin naman ako kay Laura. She just eyed for a second before going back to her laptop.
Ly: Matagal pa ba? Gusto ko ng magtravel.
Lau: Yan ba talaga ang rason o dahil nawawala si Kiefer?
Pinandilatan ko siya ng lumingon siya sakin with a teasing face. Tumawa lang ang gaga.
Pinili ko nalang wag sumagot sa kanya. Wala rin lang naman akong mapapala kasi di din naman magpapatalo tong si Lau. If anything, aasarin lang niya ako and trust me when I say, she won't stop until Den and Ella appears. Mukhang matatagalan pa naman ang mga 'yon.
She turned to me and closed her laptop. Inilagay niya iyon inside her bag and faced me for good.
Lau: Speaking of Kief, asan ba yun?
Nagkibit balikat lang ako. Busy din kasi ako sa paglalaro ng Color Switch sa iPad. And besides, I have no answer to offer. Sad.
Lau: Shouldn't the girlfriend, este best friend, know his whereabouts?
She said in a teasing tone. Talagang nagsisimula na siya sa pang-aasar. Mukhang mapapasubo ako sa isang to.
I failed in Color Switch and that made me groan.
Lau: Oh come on Ly.
She just grabbed my iPad away from me which earned her a death glare from me. Sinubukan ko pang kunin sa kanya but she threw it on the far end of the sofa.
Lau: So?
I sulked in my place and crossed my arms.
Ly: Lau, I'm not clingy. I don't need to know his whereabouts.
Lau: Knowing where he is doesnt necessarily mean you're clingy. Parang way of caring lang ganun. Bestfriends kayo di ba?
I heaved a very deep sigh. Yun na nga e. Bestfriends kami but ever since this morning, after checkout, di na niya ako kinausap. And worst, nawawala pa siya. Fine. Umalis siya ng di ko alam. Clingy ba or sadyang nagwoworry lang talaga ako? Hello. We're in Cebu for Pete's sake and we're practically tourists. Hindi namin kabisado ang lugar na to. What if something happens to him? Paranoid na kung paranoid. But no matter how slim the chances are, I can't deny the fact na may possibility pa rin talagang may mangyaring masama sa kanya. Lord, wag naman sana.
Lau: Yan. Your forehead's creased again.
She said as she pointed to my forehead. I consciously made an effort to relax. Sana lang nag work.
Ly: Eh pano ba naman kasi di niya ako inuupdate kung asan na siya. Ni text o tawag, wala. Lau, I'm worried.
Oops. I didnt expect that outburst from me. Ugh, just too much pentup emotions within!